^

Pang Movies

Ate Vi, hindi tatanggalin ang mga staff  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Animo’y naalimpungatan si Cong. Vilma Santos nang marinig niyang signal number 1 sa Batangas dahil sa bagyong Odette. “Utos agad ako, i-check ninyo ang evacuation centers, at maghanda na rin ng relief operations. Hindi mo masasabi eh, kahit na isa o dalawang araw lang, walang kasiguruhan iyan,” pahayag ni Ate Vi nang makausap ko.

“Sabi ko nga aywan kung maaalis ko pa iyan sa sistema ko. Siguro kahit na wala na ako sa puwesto nariyan pa rin naman ang commitment ko sa kanila. Sabi nga ni Ralph (Recto), malamang ime-maintain mo iyang staff mo sa Lipa, hindi ka rin naman matatahimik kahit ako na ang congressman. Palagay ko ganoon nga ang mangyayari,” sabi pa niya na aminadong naikot na ang kasuluk-sulukan ng Batangas kaya sinasabi niyang ang daming magandang lugar sa kanila na puwedeng pag-shootingan ng pelikula o teleserye.

Randy, nagawan din ng kanta ang quarantine

Minsan matatawa ka na lang sa ugaling Pilipino. Likas tayong masayahing tao. Iyong mga bagay na negative, nababaliktad pa natin at nagagawang katuwaan. Si Randy Santiago, nakagawa pa ng isang Christmas song na ang title Paskowarantin. Ang mensahe kahit na tayo naka-quarantine, aba kailangan magsaya pa rin dahil Pasko.

Iba talaga ang mga Pilipino. Iba rin talaga si Mr. Shades. Tatahi-tahimik at akala mo eh talagang gusto na ring magpahinga, aba matagal na rin siyang hindi naririnig. Tapos bigla ngang may ganyang kanta.

Natatandaan namin noong araw, kung papaanong dumugin ng fans si Randy. Pero kagaya ng ibang singers, naapektuhan din siya ng hindi mapigil na music piracy. Pero kung ganyang may mga bagong ideya, magiging hit din namang tiyak iyan.

Mga sinehan, nanganganib na naman sa Omicron

“Nandito na siya. Dumating na rin,” sabi ng aming kaibigang si Sean Reyes na ang tinutukoy ay ang kinatatakutang Omicron va­riant ng COVID. Isang balikbayan daw galing Japan, at isang Nigerian ang nagpasok sa atin ng Omicron.

Ang naisip naman namin, papaano na ang mga bagong bukas na sinehan? Papaano na ang MMFF kung mabilis ngang makahawa ang Omicron na iyan?

Puro mga indie ang kasali sa MMFF 2021, masasabayan pa niyang Omicron. Pero ano nga ba ang ating magagawa? Magdasal na lang tayo na sana huwag naman tayong maapektuhan talaga ng bagong variant na iyan at nang makaangat naman kahit na papaano ang industriya ng pelikula.

Sa projection naman nila, siguro may isa o dalawang pelikula naman daw kikita maski papaano.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with