^

Pang Movies

Phillip Salvador, malaki ang epekto kay Sen. Bong!?

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakita mo ba Salve iyon ginawa ni Sen. Bong Go? Dahil yata sa BFF niyang si Phillip Salvador natuto na rin ng drama si Bong Go, hah hah.

Imagine dumating siya sa Comelec office ng naka-taxi para iurong ang candidacy niya sa pagka-presidente. Bongga ‘di ba, na sa rami nang sasakyan na puwedeng gamitin, taxi pa pinili niya.

Buti na lang at hindi jeep o tricycle ha, kundi talagang pang Lino Brocka eksena hah hah hah.

Tawa ako nang tawa habang nanonood ng news dahil hindi ko ma-imagine kung sino ang nakaisip ng eksenang iyon na hindi ko alam kung drama o comedy ang gustong e-execute.

Ewan ko lang kung nag-click o kung nakuha ba ang gustong i-convey ng ginawa ni Bong Go.

Dahil honestly, ako, hindi ko nakuha kung ano ang point. O baka naman mahina lang comprehension ko?

Huwag mong sabihing turo iyon ni Phillip Salvador noh!

Hah hah hah joke joke joke.

‘Emo sa Pasko’

Naku ha nahirapan pa ako sa ibobotong VP kesa pagpili ng President. First, dahil taga-showbiz at talaga naman eversince ang bait ni Tito Sotto at asawang si Helen, kaya eversince lagi kong binoboto si Tito Sotto mula pa nung VM ng QC hanggang Senator.

Second, type ko iyon pagiging woman of substance ni Sara Duterte, at dahil siguro butangera rin ako, idol ko siya nang sapakin niya iyon isang leader sa lugar nila. Parang ang dating sa akin fighting lady talaga.

Pero dahil eversince lagi na akong supporter ni Lito Atienza mula pa nung Mayor siya ng Maynila hanggang Congressman kaya parang member na ako ng family Atienza. Saka love na love ko si Eric Cham na kanang kamay ni Cong. Lito kaya naman parang mahirap na hindi ko siya suportahan ngayon.

Sure ako maiintindihan ako ni Helen Sotto, at dahil ang lakas naman ni Tito Sotto sa rating kaya hindi makakaapekto ang isang boto ko. Dahil feeling family nga ako sa mga Atienza, iyon na pinili ko.

Kaya nga mas hirap pa ako sa VP kesa sa President. Nung una kasi medyo hirap pa ako, pero para bang curious ako bakit ang dami agad kontra kay Bongbong Marcos at parang ayaw nila na labanan ito? Lahat gustong disqualify siya, nakaka-curious tuloy at parang naawa na ako na hindi pa nag-umpisa ang laban, heto at hinaharang na. Kaloka, kaawa tuloy. Kaya baka ito ang maging deciding factor sa akin.

Nung una gusto ko na sana mag-Ping Lacson pero now para bang awang-awa naman ako sa isang anak na gustong pagbayarin sa kasalanan daw ng mga magulang niya.

Kaya nga hayan, na-touch ang mother heart ko. Feeling guilty tuloy ako sa magiging epekto nang ginawa kong scam sa mga anak at apo ko.

So sorry. Pero hindi dahil naging gaga ako, ganun na rin ang mga anak ko. Kawawa naman sila na masasali sa kagagahan ginawa ko. Forever Sorry.

 Hay naku emo tuloy ako, kasi nga December, melancholia ang drama ko. Pagbigyan n’yo na po.

PHILLIP SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with