Meron palang mWell PH’s health app,. Ito ay project ng favorite Revilla ko na si Chaye Cabal Revilla na talagang magmula nang magkaroon ng baby girl ay naging busy na sa kaiisip kung paano magiging big help sa mga ina at bata na ngayon ay problemado dahil sa pandemic.
Aside from pinakamabilis na yata pagdating sa response ang mWell na ini-introduce ang mWellness Score, ang daily health tracker for free, ito pa rin ang masasabing pinaka-reasonable sa lahat ang mga requirement na hinihingi. Mas mabuti nang protected kayo at kausap n’yo pagdating sa health ay isang reliable na app tulad ng mWell PH dahil tiyak at sure ang magiging resulta.
At basta si Chaye Cabal Revilla ang nag-handle very reliable at successful. Walang duda na in a short time, number 1 na ang mWell PH pagdating sa health care.
Gretchen, waging-wagi sa sabong
Ayaw ko na sanang patulan ang mga nagsasabi na para bang kasalanan ni Gretchen Barretto na merong mga naging addict sa sabong. Matagal nang may mga addict sa sabong, noon pa, hindi pa naglalaro si Gretchen.
Ngayon na natuto siya, nagustuhan niya ang thrill ng legal naman na larong sabong, ano ang kasalanan niya? Malaking kagagahan ‘yung sabihin na kaya nagbibigay si Gretchen dahil guilty siya sa mga nasira ang buhay dahil sa sabong.
Kasalanan ba kung naging masuwerte siya sa larong ito? Halimbawa na siya ang minalas na laging talo, tutulungan ba natin siya, o hihingi ba siya ng tulong sa atin?
Naging bukas-palad siya na nag-share sa suwerte niya, pasalamat na lang tayo. Hindi niya kasalanang may mga natalo na nabaon sa utang o kaya naubos ang pera. Sila ang nagdesisyong maglaro, sila ang hindi tumigil at inubos ang pera nila. Nasa iyo ang desisyon para hindi maging addict, huwag nating isisi sa ibang tao. Huwag ibang tao ang bigyan natin ng problema sa kahinaan mo.
Laro ang sugal, may natatalo, may nananalo. Kung ayaw mong maging isa rito, huwag mong pasukin. Hindi lang sa sabong, sa kahit ano pang bisyo. Buti nga at marunong mag-share si Gretchen. Ang dami niyang pinaligaya sa love box at wheelchair niya. Natulungan pa niya ang mga nagtitinda ng bigas. Tingnan natin ng maganda ang isang bagay na maganda, hindi ‘yung obvious na gusto pa nating pumangit eh marami naman ang masaya. ‘Yung mga naghirap dahil nagbisyo, kasalanan nila iyon, hindi sila pinilit para pasukin ito.
Vice does not pay, it will make you poor, kaya iwasan. Bigyan na lang ng love box iyan, para tumino ang isip at makainom ng chocolate drink. At matikman ang mga imported na cookies ng Gretchen love box na inimpake nina Ana Abiera at Ms. Rusky Fernandez. Bongga!