John Lloyd, magaling na ang puso

Masaya naman ang balita na open na si John Lloyd Cruz sa bago niyang GF ngayon. Madalas na raw kasama niya ito sa mga showbiz meeting na dinadaluhan niya kaya naman nakikilala na rin ng marami.

Nice thing na pareho na silang naka-move on ni Ellen Adarna na mukhang very happy kay Derek Ramsay. Dapat naman talaga ganyan ‘pag natapos ang isang relasyon, move forward, find another one. Sabi nga, you cure heartbreak with another heart. So para malimutan mo agad, look agad sa bagong mamahalin. Dapat din friends kayo ng naka-breakup mo para mas cool at mas maganda ang vibes. Be friends kahit ex na kayo. Mas maganda pang tignan ‘pag ganun, ‘di bah?

Buwan ng Disyembre, puno ng grasya

Bakit ‘pag December, Salve, parang ang dami-dami nang food, fruits, at mga bagay na maganda. Para bang napaka-special talaga ng month ng December kaya abut-abot ang beautiful bountiful things around. Iyon bang ang paligid parang puno ng grasya.

Kaya siguro melancholic ang iba kasi nga nakikita nila ‘yung lucky ones na para bang sagana samantalang bakit sila wala. Kaya nga biruan madalas among showbiz writers, na dapat a month bago mag-December mabait ka, para maraming dumating na blessing sa iyo. Siyempre naman masakit na makita mo ang iba na ang daming natatanggap, parang walang pandemic tapos ikaw halos wala ‘di ba?

Iyan pa namang gifts parang patunay kung gaano ka kamahal ng tao na nakikilala mo, dahil meron silang time na ibili ka ng kahit maliit na bagay para iparamdam ang love nila sa iyo. Kaya alam mo na, ‘pag mabait maraming regalo, ‘pag masungit waley, sorry na lang noh!

Show comments