Jose Mari Chan, forever nang nakatatak sa pasko

Ang sarap ‘pag ikaw ang singer ng mga song na regular na tinutugtog ‘pag Pasko ‘di bah. Kasi tulad ni Jose Mari Chan, forever na siyang tatak ng Christmas dahil sa mga kanta niya para sa okasyon. ‘Pag narinig mo na ang songs na ginawa ni Jose Mari alam mo na agad na December na, alam mo na Pasko na. Forever na iyon.

Basta may Pasko, may kanta si Jose Mari Chan, o ‘di ba bongga. Never kang malilimutan, never kang mawawala, forever kang nandiyan. Ang sarap ‘di bah! Walang burahan, walang paglimot, lagi kang nasa memory. 

Hiling galing, sinusubaybayan pa rin

Na-remember mo ba, Salve, ang Hiling Galing na TV show ni Dra. Edinell Calvario? Number 1 fan niya ang kapatid ko na talagang pumipila sa clinic nila sa Novaliches para magpatingin at bumili ng mga gamot at oil ng Hiling Galing.

Ang lakas ng TV show niya, at talagang by appointment ang pagpapatingin sa kanya kaya humingi pa ako tulong noon kay Cristy Fermin dahil magkasama sila sa TV5. Ewan ko pero mukha namang gumaling ang ibang sakit ng kapatid ko, at talagang she swore na ang husay ni Dr. Eden ng Hiling Galing.

Naalala ko siya dahil one Sunday na naglilipat-lipat ako ng channel sa TV, napanood ko siya at wala na siya sa TV5. Nasa cable TV na yata ang Hiling Galing at ang dami pa rin niyang mga listener na humihingi ng payo para sa mga sakit nila. Talagang meron na siyang captured audience at believers, at isipin mo na isa naman siyang tunay na doctor of medicine kaya may karapatan siyang tumingin ng may sakit. Medyo late na pero gusto kong mag-thank you sa Hiling Galing, kay Dra. Edinell Calvario for taking care of my sister. Salamat po at mabuhay.

Show comments