Rich, nabuhay ang career sa Australia
Binalita ng Australia-based Kapuso actress na si Rich Asuncion na lumabas siya at ang kanyang pamilya sa isang TV commercial para sa Emergency Services Agency of the Australian Capital Territory or ACT.
Na-excite si Rich na gawin ang commercial dahil ngayon lang daw siya ulit humarap sa kamera at kasama pa niya ang kanyang mister na si Benjamin Mudie at ang daughter nilang si Isabella Brie.
Post ni Rich sa Instagram: “Out of all the opportunities Australia has offered me in entertainment, this one takes the cake. Its such a special moment to be doing a commercial, as a family and its even more special to share Bela’s on-screen debut with her. Its great to be back in front of the camera again. #buhayartista #MUDSQUAD”
Pinost ni Rich ang 58-second commercial sa kanyang IG at natuwa ang kanyang followers at ilang celebrity friends.
Best decision nga raw for Rich ang tumira na sa Australia noong nagkaroon bigla ng pandemic last year. Mas pinili raw niya ang tahimik na buhay kasama ang kanyang pamilya at talikuran pansamantala ang showbiz.
“Leaving everything behind to face all the uncertainties wasn’t an easy feat. Pero dahil kasama ang pamilya, mas naging matibay at matatag. Now, I can honestly say I am content and happy with this new life away from the limelight. A new career, new adventures, new hope!” sey ni Rich.
Bukod sa nagtrabaho siya bilang waitress, nag-enroll siya sa isang online class para makuha niya ang degree in Early Childhood Education and Care.
“Part pa rin naman siya ng Tourism course na kinuha ko sa U.P. at wala akong karapatan mag-inarte kasi nabigyan ako ng panibagong chance to start anew. To be able to survive through this is already a blessing. As hard as it may seem, look for the silver lining. Hold on, and say, ‘I am still a champion.’” sey ni Rich na kasalukuyang buntis sa second baby nila ni Benjamin.
Yeng, ngayon lang naikuwento ang pagkamatay ng nanay
Pagkaraan ng dalawang buwan ay nagawa nang mag-open up ng singer na si Yeng Constantino tungkol sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ina.
September noong pumanaw ang ina ni Yeng, pero hindi niya ito nagawang maikuwento sa kanyang vlog. Ayon kay Yeng, ang pagkamatay ng kanyang ina ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya. “My mom passed away. Habang natutulog kami ni Yan, isang madaling araw, nag-ring ‘yung phone. ‘Yung tatay ko, nasa kabilang end. That was Sept. 23, ng mga 5 a.m. Hindi ko pa narinig ‘yung boses ng tatay ko na ganun kalungkot. Binalita niya sa amin na wala na si Mama,” sey ni Yeng sa kanyang vlog.
Naikuwento rin ni Yeng na ilang taon na raw na may problema sa kalusugan ang kanyang ina. Pero this year daw ay mas lumala ang mga komplikasyon nito.
“Habang tumatanda siya, lalong nagkakaroon ng more complications ‘yung sakit niya. This year talaga, mas naging obvious ‘yung mga complications na ‘yun.”
Iba raw ang naging relasyon ni Yeng sa kanyang ina. Minsan daw ay nagduda siya kung mahal ba siya ng kanyang ina?
“To me, ‘yung love ng nanay ko for me is trust. Lagi kong kinukuwestiyon ‘yun nung bata ako, ‘Mahal ba talaga ako ni Mama?’ Kasi sobrang sungit niya sa akin. Tapos parang matanda niya akong itrato kahit bunso ako. Pero kaya pala ganun ‘yung nanay ko sa akin, sabi ni Papa, kasi tiwala daw siya sa akin.”
- Latest