Ogie aminadong mago-online concert hindi para kumita ng pera!
Aminado sina Ogie Alcasid and Ian Veneracion na sobrang nami-miss na nila ang mag-perform nang live sa audience.
As we all know ay isa nga sa direktang tinamaan ng pandemic ay ang live performances ng ating singers and performers na tumigil talaga lahat.
Sey nga ni Ogie sa virtual mediacon ng Christmas with the Stars, a fund-raising online concert, para raw tayong dumaan sa isang madilim na tunnel na tumigil ang lahat.
Kaya nga raw kahit pandemic ay gumagawa pa rin sila ng way para naman mailabas din ang kanilang passion na makapag-perform. Since hindi nga pwede ang live performances ay nag-shift sila sa mga online concerts.
“’Yung streaming, ‘yung online, pakanta-kanta. I didn’t do it because I wanted to earn money. To be honest, I’m just doing it to keep my sanity. Kumanta ka nang kumanta kahit wala kang kinakantahan pero may nakikita ka naman na virtual response,” ani Ogie.
Kaya nga raw nagkaroon din sila ni Ian ng online concert ng Kilabotitos early this year.
“Obviously, we didn’t do that to make money. Medyo. But we did that because we felt the need that people needed to be entertained. Parang ganu’n ang naging focus namin,” he said.
Maswerte sina Ian, Ogie at iba pang singers/performers na tuluy-tuloy pa rin ang trabaho kahit pandemic. Pero paano na nga raw ‘yung iba especially ang mga tao behind the cameras ng stage production, ang mga freelance live production professionals na talagang walang pumapasok na income simula nang ipagbawal ang live concerts.
Kaya naman ang Ortigas and Company ay nakipagtulungan sa ATeam (Alcasid Total Entertainment and Artist Management) para tulungan ang mga kaibigan nila sa production ngayong Kapaskuhan sa pamamagitan ng pag-o-organize ng isang fundraising online show called Christmas with the Stars.
At nakakatuwa nga dahil bukod kina Ogie at Ian ay pumayag ding mag-perform at mag-guest sa online concert (nang libre) ang naglalakihang pangalan sa music industry tulad nina Regine Velasquez-Alcasid, Dingdong Avanzado, Christian Bautista, Poppert Bernadas, Noel Cabangon, Ryan Cayabyab Singers, Jose Mari Chan, The Company, Rj Dela Fuente, Krystle, Moira Lacambra, Kuh Ledesma, Gian Magdangal, Lara Maigue, Lani Misalucha, Martin Nievera, Randy Santiago, Aicelle Santos, Gary Valenciano and Maestro Ryan Cayabyab.
Christmas with the Stars will be streamed via ktx.ph on Dec. 11. Ang proceeds ng concert ay mapupunta sa IPWG (Independent Production Workers Group). The members of the IPWG include, freelancers who work for live events and concerts.
- Latest