^

Pang Movies

Anak ni Buboy, nasa Amerika na kasama ang ina!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Anak ni Buboy, nasa Amerika na kasama ang ina!             

Naging emotional si Buboy Villar sa paghatid nito sa kanyang four-year old daughter na si Vlanz Karollyn sa airport.

Papunta na ng Amerika si Vlanz dahil sa petisyon ng estranged wife ni Buboy na si Angillyn Gorenz.

Two years nang nasa Amerika si Angillyn pagkatapos ng mutual na paghihiwalay nila ni Buboy. Nangako naman si Angillyn na ipi-petition nito ang dalawang anak pa nila ni Buboy para maging maganda ang kinabukasan nila.

Sa YouTube vlog ni Buboy, pinipigil nito ang pagtulo ng kanyang luha sa pagpaalam kay Vlanz. Dinadaan na lang daw sa biro ni Buboy ang lahat para hindi siya makita ng anak na malungkot.

Naiwan kay Buboy ang two-year old son nila ni Angillyn na si George Michael. Pero in a few years daw ay susunod na rin ito sa Amerika.

Nagpasalamat si Buboy sa mga magulang ni Angillyn na kahit hiwalay sila, naging malaking tulong sila sa pag-asikaso ng petition ni Vlanz para makarating na ito sa Amerika.

Masakit man daw kay Buboy na magpaalam sa kanyang panganay, pero inisip ng aktor ang naghihintay na magandang future ng mga anak niya sa ibang bansa.

Bianca, feeling Hollywood Star sa HBO series

One year daw na nag-shoot si Bianca Umali para sa season 3 ng HBO series na Halfworlds at next year daw ay maipapalabas na ito.

Kung hindi lang daw dahil sa pandemic, matagal nang natapos ang naturang series na kinunan sa Pilipinas.

Sey ni Bianca: “Iba po ang experience to work with a fo­reign TV crew like HBO. Very organized and they made sure na komportable kaming lahat sa set. Wish ko po na ma-experience din ito ng mga co-actor ko dahil iba po talaga. Feeling mo ay Hollywood star ka sa set.”

November 2019 in-announced ng HBO ang season 3 ng Halfworlds na kabilang si Bianca at Sam Concepcion. January 2020 sila nagsimulang mag-shoot with director Mikhail Red at natigil ng ilang buwan dahil sa COVID-19 pandemic. Nag-resume sila ng shoot noong July 2021.

Kaka-renew lang ng kontrata ni Bianca with GMA Artist Center last Nov. 25. Huli siyang napanood sa cultural teleserye na Legal Wives at looking forward siya sa mas mabibigat pang roles in the future.

Music theater legend, pumanaw sa edad na 91

Sabay na nag-dim ng kanilang mga ilaw ang Broadway in New York and the West End in London noong nakaraang Nov. 26 dahil sa pagpanaw ng music theater legend na si Stephen Sondheim sa edad na 91 sa kanyang bahay sa Roxbury, Connecticut.

Nakilala ang legendary songwriter dahil sa kanyang mga nilikhang mga awitin para sa mga hit and acclaimed musicals simula pa noong ‘60s hanggang ‘90s.

Kabilang sa mga naging obra ni Sondheim ay ang musicals na A Funny Thing Happened On The Way To The Forum, Company, Follies, Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street, West Side Story, A Little Night Music, Pacific Overtures, Sunday in the Park with George, Into The Woods at Gypsy. Ilan dito ay ginawang musical films.

Ilan celebrities na nagbigay-pugay kay Sondheim sa kanilang social media accounts ay sina Barbra Streisand, Meryl Streep, Angela Lansbury, Lin-Manuel Miranda, Nathan Lane, Bernadette Peters, Patti LuPone, Ben Platt, Madonna, Jason Alexander, Sutton Foster, Josh Groban, Mandy Patinkin, Christine Baranski at Steven Spielberg.

vuukle comment

BUBOY VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with