Maagang nagkabit ngayon ng Christmas decorations si Kim Chiu sa kanilang bahay na tradisyon na niyang gawin talaga every year. Taun-taon ay siya mismo ang nag-e-effort na mag-isip ng theme at maglagay ng decors sa kanyang giant (12 ft) Christmas tree.
As always ibinahagi ni Kim sa kanyang vlog ang ginawa niyang pagdedekorasyon sa Christmas tree na this time ay white-themed naman.
Paliwanag niya kung bakit white, “bukod sa na-miss ko ang White Christmas, na-miss ko talaga ang mag-travel, na-miss ko ‘yung mga snow, ganyan.”
Ang white raw ay simbolo ng pag-asa na very timely sa panahon ngayon. Kaya aniya ay hindi raw tayo dapat mawalan ng pag-asa at huwag din daw mawalan ng tiwala kay Lord.
Habang nagsasalita nga si Kimmy about hope ay bigla na lang siyang naging emosyonal. “Gusto ko, ito‘yung kulay ng Christmas tree ko ngayon dahil siguro ‘yun ‘yung nararamdaman ng puso ko. Na kahit sobrang hirap na ng sitwasyon, never lose hope and don’t give up on your faith. I wanna cry,” naiiyak na sabi ni Kim.
Well, as we all know ay matindi rin ang mga pinagdaanan ni Kim sa pandemic kabilang na ang pagkawala sa ere ng kanyang home network, ABS-CBN.
Good thing, maganda at positibo ang outlook sa buhay ni Kim kaya nakakaya niyang lampasan ang mga unos at pagsubok.
JC, puring-puri si Yassi
Puring-puri ni JC Santos ang leading lady niya sa More Than Blue na si Yassi Pressman. Ito raw ang pangalawang beses na nakatrabaho niya ang aktres at bumilib siya sa maturity nito as an actress.
“I think, for the 2nd time, naramdaman ko na she’s going to be a great actresss and nandu’n siya sa path na ‘yun and she’s on the right path of that maturity. Kasi naramdaman ko ngayon, mas malalim siya,” ani JC sa virtual mediacon ng More Than Blue.
Dagdag pa ng aktor, “actually, kung may loved one siya ngayon, napakasuwerte ng lalaking ‘yun dahil mapupuno siya ng pagmamahal sa relationship.”
Sobrang na-enjoy nga raw niya ang journey nila ni Yassi sa pelikulang ito at kung paano nila pinagtulungan ang mabibigat nilang eksena. Umabot pa nga raw sila sa punto na hindi pa man kinukunan ang scene ay emosyonal na sila pareho.
“Sobra ‘yung pagtitiwala. Ang sarap lang. Na-enjoy ko ‘yung second time na ‘to at sana, meron pa,” sey ni JC.
Nasundan naman ito ng tanong kay Yassi kung may love life na ba siya since nabanggit ito ni JC.
“I’m supper happy,” sabi ni Yassi.
Surrounded naman daw siya ng love ng mga nasa paligid niya tulad ng kanyang pamilya, mga kaibigan at maging ang kanyang trabaho.
Samantala, ang More Than Blue ay South Korean drama classic na pinalabas noong 2009, in-adapt naman ito sa Taiwan taong 2018 and this time, ang Pilipinas naman ang maglalabas ng sariling version nitp. Streaming this Nov. 19 on Vivamax, kasama rin sa movie si Diego Loyzaga bilang isa pang leading man ni Yassi, at si Ariella Arida.