Pasabog ang gaganaping digital concert ng grupong Ex-Battalion.
Kaya naman ang presyo ng mga ticket, P20,000 hanggang P35,000 ang pinakamahal na parang nakakawindang at pang-foreign artist ang rate.
Yup, ito diumano ang biggest OPM digital concert ng producers na sina RS Francisco and Sam Verzosa ng Frontrow.
Pinamagatang Evoluxion, ito ang first major concert ng Ex-Battalion, ang tinuturing na Philippines’ biggest hiphop group na may more than 1 billion accumulated views and over 4 million subscribers on YouTube alone.
Gaganapin ang concert sa Araneta Coliseum and various remote locations kung saan mapapanood sa three-hour live concert ang group’s signature hits and other recordings na hindi pa nila nagagawa, na may kasamang full band sa ilalim ng direksyon ng award-winning musical director Raul Mitra na identified kay Regine Velasquez.
At hindi lang daw lahat kantahan ang magaganap.
Ayon sa grupo, sa ginanap na virtual media confirence last Saturday, first time rin itong magkukuwento sila ng kanilang inspiring personal from rags-to-riches stories bago sila sumikat.
Evoluxion will stream live in ktx.ph on Dec. 11, Saturday, at 8 p.m. Tickets are now available for purchase.
But anyway, meron namang P500 na presyo ng ticket.
Ayon kay RS Francisco, kasama naman sa P20,000 ang access to online concert, plus printed ticket, EXB greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, signed EXB poster. With EXB mask and shirt, RS mask and Shirt, SV shirt and jacket, and an exclusive dinner with the EXB.
At ang pinakamahal na P35,000 ay kasama ang access to online concert, plus printed ticket, EXB greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, signed EXB poster.
With EXB mask and shirt, RS Mask and Shirt, SV shirt and jacket.
An exclusive dinner with the EXB and an exclusive access to the Listening Party (inclusive of cocktails) featuring never-before-heard (Unreleased) Ex B tracks.
Yes, dinner sa Manila Hotel kung P20K o P35k ang bibilhin ninyong ticket.
Pero ‘yun nga kung gusto mo lang namang manood at marinig ang musika ng Ex-Battalion na itinangging naging inactive sila habang may pandemya, puwede namang P500 ang bilhing ticket.
Malamang para sa mga obssessed fans ang nasabing halaga.
At since may face to face component ang P35K baka rin naman puwedeng may hug and kisses na sa ganung halaga sa lahat ng miyembro ng grupo na karamihan ay may asawa na.
Hahaha.