Kuya Kim, pinagbintangang ungrateful!

Hindi na sinasagot ni Kim Atienza ang comment ng Kapamilya fans na nagalit sa kanya dahil nag-shade raw siya sa It’s Showtime kung saan, naging parte siya. Hindi rin dine-delete ni Kim ang mga banat sa kanya ng Kapamilya fans gaya ng “lumaki po ulo nyo,” “the ungrateful one. Kung masaya ka sa GMA no need to throw shade to former show. Wow kakupalan ja porque bff mo si bobet.”

May mga nag-unfollow naman kay Kim at kung may galit man daw siya sa It’s Showtime, hayaan na niya at ‘wag niyang tularan si director Bobet Vidanes. ‘Wag na raw siyang magpasaring at tigilan na ang pagse-shade. Ikinumpara si Kim kay direk Bobet na backstabber at saka nagsalita nang hindi maganda noong nag-resign na.

Nawindang tiyak si Kim dahil hindi akalain na ‘yung comment niya sa post ni Carmina ay magiging isyu at damay ang ABS-CBN at GMA 7.

Sorsogon ni Heart, huhusgahan na

Ang ganda ng music na inilagay ni Heart Evangelista sa teaser ng I Left My Heart in Sorsogon na kung ginamit o gagamitin ng GMA 7, magbabayad ng milyones. Kabilang sa songs na ginamit ni Heart at bagay sa eksena ay ang Baka Sakali ng Ben & Ben, Malaya ni Moira dela Torre, Biblical ni Callum Scott at All Too Well ni Taylor Swift.

In fairness, ok din naman ang theme song ng rom-com series na Our Love na kinanta ni Garrett Bolden Jr.,. Bagay rin sa story ng rom-com series na this Monday na ang world premiere, pagkatapos ng 24 Oras.

Janno, nagpaliwanag sa binurang galit sa Showtime

Ang Viva nga ang nag-utos kay Janno Gibbs na i-delete ang post niya sa pagkakasela ng It’s Showtime sa guesting niya dapat to promote his movie from Viva Films. Sabi naman ni Janno, “I deleted it coz my management  asked me politely.”

Kung siya lang daw, hindi niya ide-delete ang post para siguro hindi siya maakusahan na walang paninindigan.

Sinabi rin ni Janno na hindi professionalism ang isyu niya sa ABS-CBN at parang natatandaan na namin na kinol-out niya ang Kapa­milya network dahil hindi siya nasama sa Christmas Station ID kahit may recording contract siya sa Star Music. Hindi yata nagustuhan ang post niya at doon na nagsimula ang lahat. Kaya lang, may ibang istorya, hindi pa raw naka-schedule ang guesting ni Janno sa show at nakikipag-usap pa lang ang Viva sa production ng It’s Showtime, pinost na ni Janno na kinansela ang kanyang guesting.

Ang sagot dito ni Janno, “Gusto ko sanang mag-explain sayo. Pero naisip ko... Sino ka ba?” Aray naman?

Jasmine at Jeff, kumpirmadong ‘di pa hiwalay

Sa Unboxing ng wedding gifts kina Tom Rodriguez at Carla Abellana, kabilang sa mga natanggap nilang regalo ay galing sa magdyo­wang Jasmine Curtis-Smith at Jeff Ortega. Hindi lang isa, kundi dalawa ang regalo nila na hindi na ipinakita ni Carla nang buksan ang gift.

Patunay pa ang regalo nina Jasmine at Jeff na together pa sila at mali ang tsikang kaya maraming kissing scenes sina Jasmine at Alden Richards sa The World Between Us dahil break na sila ni Jeff. Ang description pa nga ni Carla sa dalawa ay “one of the best dressed couple” sa kasal nila ni Tom.

Bukod sa regalo nila ni Jeff, kasama rin si Jasmine sa grupo ng mga taga-The World Between Us na nagregalo sa mga ikinasal, kabilang dito si Alden Richards, Erin Ocampo at iba pang cast. Mamahaling Italian glass ang kanilang regalo na ingat na ingat si Carla sa paghawak at baka nga naman mabasag, eh mamahalin ‘yun.

Show comments