John Lloyd, award-winning artist ang bagong inspirasyon?!

John Lloyd at Isabel.

Napakasuwerte naman ni Elias Cruz dahil may dalawa siyang itinuturing na ama. Ang kanyang biological father na si John Lloyd Cruz at ang kanyang stepdad na si Derek Ramsay. Gayundin ang pakiramdam ng anak ni Derek na si Austin.

While he remains very close to his biological mom na si Mary Christine Jolly, close rin siya sa kanyang stepmom na si Ellen maging sa kanyang step-baby brother na si Elias.

Whirlwind na maituturing ang pag-iibigan nina Derek at Ellen na nung nakaraang Enero pa lamang nagkakilala at naging official na magkasintahan nung Feb. 4, 2021 and got engaged nung March 30, 2021 at ikinasal nung nakarang Huwebes, Nov. 11.

Umaasa naman ang showbiz watchers na sana’y tumagal ang pagsasama ng bagong mag-asawang Derek at Ellen unlike other couples na pagkaraan ng ilang taong pagsasama ay nauuwi sa hiwalayan.

Samantala, kilala si John Lloyd sa pagiging art collector na ngayon ay mukhang may bagong inspirasyon. Ini-link nga ito sa award-winning artist na si Isabel Santos na nagmula sa pamilya ng mga kilalang painter.

Although wala pang pag-amin na nagmumula sa dalawa, maraming netizens ang nakapansin na magkasama ang dalawa sa iba’t ibang okasyon (although not together sa picture) na kanilang napagtugma-tugma tulad sa rest house ni JLC sa Batangas, sa kanyang bahay sa Antipolo at ang mga aso ni Isabel na kasama ng actor.

Kung sakali mang totoong may ugnayan sa pagitan nina JLC at Isabel, walang masama dahil pareho silang single.

Last Nov. 9 ay lumagda ng program contract si JLC with GMA kung saan siya nakatakdang gumawa ng isang weekly sitcom na pamahalaan ng dating Kapamilya actor at director na si Edgar `Bobot’ Mortiz na siya rin magla-line produce ng sitcom na gagawin ni John Lloyd.

Si JLC ay huling napanood sa Kapamilya network sa dating sitcom nila ni Toni Gonzaga, ang Home Sweetie Home, na dinirek din ni Bobot until magdesisyon ang actor na mag-indefinite leave kasama ang girlfriend pa niyang si Ellen Adarna.  That was October 2017 at ngayon pa lamang siya muling babalik sa telebisyon.

Show comments