“Hindi kami nagkaroon ng kahit na anong plano na mag-establish ng isang political dynasty. Kung natatandaan ninyo noong araw pa ang sinasabi ko tama na ang isang pulitiko sa pamilya. Ang politician talaga si Ralph (Recto), minana pa niya iyan mula sa lolo niya, pero hindi rin sila naging political dynasty dahil walang nag-ambisyon sa kanila na kumandidato nang sabay-sabay,” bungad ni Cong. Vilma Santos nang makausap.
Dagdag niya pa :“Kung ide-define ang political dynasty, makikita mo naman, iyan iyong buong pamilya nasa gobyerno na,” aniya pa tungkol sa chikang political dynasty.
Sinabi pa niyang nakapasok naman siya kahit hindi siya pulitiko. “Ayoko sana because I was enjoying my job as an actress. Iyon talaga ang linya ko. Pero pinipilit ako noon ng mga kababayan namin. Maski si Ralph hindi naman ako kinumbinsi eh. Sabi lang niya pag-isipan ko, ako naman ang kinakausap ng mga tao, hindi naman siya. Finally nakumbinsi nila ako, Tumakbo akong mayor ng Lipa.”
At ‘yun na nga ang umpisa hanggang natapos niya ang tatlong termino bilang mayor, naging gobernador at naging congressman.
Naalala niyang maraming beses din siyang inalok sa mas mataas na posisyon pero laging iniisip niya ay ang kanyang pamilya.
Naalala rin niyang pati si Luis Manzano, pinatatakbo na pero hindi rin nakumbinsi.
Hanggang ngayon nga na iginive up na niya ang pulitika.
Pamilya ang kanyang iniisip.
At ginawa lang daw niya ang clarification dahil sa issue na marami na raw “showbiz political dynasty,” at dahil bagsak ang showbiz, nagpapasukan sila sa pulitika.
Manilyn at Aljon, malakas ang dating negosyo
Nakakatuwa, 25 years na palang kasal sina Manilyn Reynes at Aljon Jimenez, at nananatiling napakaganda ng kanilang pagsasama.
May tatlo na silang mga anak. Si Manilyn, sikat na artista at singer pa rin naman hanggang ngayon. Si Aljon, iniwan ang kanyang pagiging matinee idol, at nag-concentrate sa negosyo na pinaniniwalaan niyang mas makapagbibigay ng magandang kinabukasan sa kanilang mga anak.
Natatandaan namin noong nagsimula sila. Nagkaroon sila ng food booth sa Star City at nagse-serve sila ng chicken nuggets. Sila ang top seller sa mga food booth, dahil isipin ninyo nakikita nilang magkatulong sa pagluluto at pagbebenta sina Manilyn at Aljon.
Natatandaan namin, Christmas day, sinabihan silang gawing times 5 ang kanilang stock, na sinunod naman nila, pero kabubukas pa lang nila naubos na agad ang tinda nila.
Nakita namin ang pagsisikap nila para sa kanilang pamilya, at noon pa sabi nga namin, iyan ang pamilyang magiging maganda ang pagsasama hanggang sa huli.
Maarteng celeb, kinaimbiyernahan sa demand na catsup
Inirap-irapan ng servers ng isang restaurant ang isang maarteng celebrity, na ngayon naman ay wala nang career dahil maarte, pero hindi marunong umarte.
Nag-order daw ng fried chicken na maayos namang nai-serve, pero pagdating ng pagkain, naghahanap ng isang brand ng catsup na wala naman ang restaurant dahil hindi iyon ang brand na kanilang ginagamit. Sabi raw ng maarteng celebrity, “kung sinabi ninyong wala kayong ganoon catsup, sana hindi na ako nag-order ng chicken.” Inirapan nga siya ng servers.