Hindi nakalimutang batiin ni Megastar Sharon Cuneta si Star For All Seasons and Lipa City Representative Vilma Santos sa 68th birthday nito kahapon, Nov. 3.
“Recently I saw on YouTube that an athlete who scored a homerun in his 40s was asked how it felt to make his first homerun at his age. His answer: “How old would you think you were if you didn’t know your age?” (I might have paraphrased this.) If me, I’d think 19 or oldest, 23. My Ate Vi would probably say the same.
“Happy, happy birthday to you, dearest Ate Vi! You are ageless to us your Vilmanians. I love you!!! May God bless you always. @rosavilmasantosrect,” ang birthday message ni Sharon for Ate Vi.
Ini-repost niya rin ang greetings ng isang netizen kay Ate Vi na ganito ang nakasaad: “To someone whose movies always require a box of kleenex, happy 68th birthday! Don’t think of it as 68. Think of it as 33, with 35 years of experience! Siempre, I love you, ate Vi!”
Before the pandemic, sa tuwing kaarawan ni Ate Vi ay lagi silang nasa ibang bansa ng kanyang pamilya to celebrate at sey nga niya noon, ito na lang bale ‘yung nagiging bakasyon niya sa isang taon niyang pagtatrabaho.
Syempre, simula nang nag-pandemic ay hindi na nila ito nagawa pero ang importante naman, kahit nasaan man siya ay sama-sama pa rin sila ng buong family sa selebrasyon.
Nadine babalik na sa trabaho, tiklop na sa Viva!
Nakakatuwa naman na on the road to settlement na si Nadine Lustre at ang kanyang management, Viva Artists Agency.
Sa tweet ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe, naglabas ng statement ang legal counsels ni Nadine na sina Atty. Eirene Jhone E. Aguila and Atty. Gideon V. Peña at kinumpirma na mayroong ongoing negotiations na nagaganap sa pagitan ng magkabilang kampo.
“We confirm that there are ongoing negotiations to put an end to legal controversies between Nadine Lustre and Viva Artists Agency.
“While Nadine is confident about the strength of her legal position, she remains open to amicably settling with Viva and proceeding under terms that are fair and mutually beneficial.
“Like Viva, Nadine looks forward to continuing to provide quality entertainment to audiences both local and across the globe.
“Nadine trusts that Viva will remain true to its mission statement to empower and develop artists and their talents for the betterment of their careers and lives,” ang kabuuan ng statement.
Matatandaang last year ay umalis si Nadine sa poder ng VAA dahil “oppressive” and “illegal” umano ang kanyang kontrata.
Ayon naman sa Viva, nakakontrata si Nadine sa kanila hanggang sa 2029 kaya hindi ito basta-basta pwedeng umalis.
Humantong ito sa demandahan and last June, 2021, naglabas ng resolusyon ang Quezon City Regional Trial Court. Ayon sa korte ay dapat i-honor pa rin ni Nadine ang kanyang kontrata.
Recently ay napabalita na ngang balik-trabaho na si Nadine sa Viva at may gagawing pelikula kasama sina Diego Loyzaga and Epy Quizon at ididirehe ni Yam Laranas.