^

Pang Movies

Gabby, naalagaan ang katawan kahit 3X ikinasal

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Gabby, naalagaan ang katawan kahit 3X ikinasal

Bigla naming naalala, bukas ang birthday ni Gabby Concepcion. Naalala rin tuloy namin, una naming nakita si Gabby, kasama pa ang kanyang mga magulang habang nakikipag-usap kay Mother Lily (Monteverde) sa Mother China Restaurant noon sa Pasay Road.

Papasok pa lang si Gabby sa show business noon. Ipinahanap talaga siya matapos siyang makita sa isang toothpaste commercial. Ang sabi pa noon ng kausap naming si direk Joey Gosiengfiao, “iyan ang maitatapat kay Lloyd Samartino,” na siyang sikat na matinee idol noon.

Sumikat nga si Gabby, at nang mawala na ang kasabayan niyang si Alfie Anido, si Gabby na ang kinilalang number one matinee idol.

Kontrobersiyal ang buhay ni Gabby, lalo na ang kanyang lovelife. Apat na babae ang kanyang panganay, at tatlong ulit siyang nagpakasal. Nasabit pa siya sa isang malaking scam, pero sa kabila ng lahat ng iyan, sikat pa rin siya hanggang ngayon at hinahabol ng fans.

Isipin ninyo ha, bukas 57 na si Gabby pero matinee idol pa rin ang dating niya sa kanyang mga tagahanga. “Maalaga kasi sa katawan iyan, at talagang pinaghihirapan niya iyan,” sabi ng dating movie writer na si Rod Samson na noong araw ay naging isa rin sa talagang malapit kay Gabby.

Ate Vi, hinahamong pabalikin ang mga tao sa sinehan

Pati si Mang Pat Sigue, na isa sa naunang editors sa Pilipino Star NGAYON ay nagpahayag ng panghihinayang nang sabihin naming hindi kakandidatong senador si Ate Vi (Vilma Santos), kagaya noong nabalita noong una. Marami kasing mga tao na nakakaalam ng kanyang record bilang isang public official ay naniniwalang dapat nga sa mas mataas na posisyon pa siya. Tatlo nga ang nag-alok sa kanya ng vice presidential position na magalang namang tinanggihan ni Ate Vi. Kung tutuusin, noon pang governor siya ng Batangas inaalok na siya tumakbo bilang vice president, pero naisip nga niya na siguro naman ay tama na muna ang 23 taong public service at panahon na para ang atensiyon niya ay maibigay naman niya sa kanyang pamilya, at sa kanyang pagiging aktres na muli.

At marami ang naniniwala na ang isang pelikula ni Ate Vi na kagaya ng mga ginagawa niya noon ang siyang maa­ring makapagpapabalik sa mga tao na manood sa mga sinehan na nakatakdang magbukas ngayong buwan.

Iyon nga lang, ang sinasabi naman ni Ate Vi, gusto muna niyang tuluyang matapos ang kanyang obligasyon sa kongreso, lalo na at deputy speaker pa siya, para mas concentrated naman siya sa pelikula pagbalik niya.

At huwag na kayong umangal doon, tutal ilang buwan na lang naman.

Male star na reyna ng bar noon, hinahabol ng multo ng nakaraan

Hindi kami naniniwala sa multo pero iyong “multo ng nakaraan” napakahirap takasan. Kung kailan nagsisikap ang isang male star na itago ang kanyang hindi magandang nakaraan, aywan naman kung bakit ngayon pa nahahalungkat ang lumang pictures niya noong siya ay “reyna” hindi sa santacruzan kundi ng isang sikat na “bar” na istambayan noon ng mga ba­ding sa Malate.

Ang tindi niya ha. Mayroon pa siyang picture na nakikipag-lips to lips kasama ang sinasabing karelasyon niya noon na isang male model, na bakla rin naman.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with