^

Pang Movies

Ate Vi, inilabas ang mga sikreto kung bakit mukhang ‘di tumatanda!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, inilabas ang mga sikreto kung bakit mukhang âdi tumatanda!

Birthday ngayon ng “Star For All Seasons” at “Star For All Reasons” na si Congresswoman Vilma Santos. Ayaw naming banggitin ang edad ni Ate Vi, pero ang alam namin nakatatanda siya sa amin ng dalawang taon.

Pero ano mang tingin mo kay Ate Vi, parang hindi siya tumatanda. Iyong hitsura niya akala mo wala pang kuwarenta. Nagkakabiruan nga kung minsan na mukhang si Ate Vi ang nakakita ng “fountain of youth” na nabigong hanapin ng Spanish explorer na si Juan Ponce de Leon noong 14th century.

Ang sinasabi naman ni Ate Vi, kaya sa palagay niya mahalaga ang exercise, bukod nga sa katotohanang hindi siya nagkaroon ng anumang bisyo. Clean living kasi talaga si Ate Vi eh. Kung kagaya siguro siya ng iba, mukhang pindangga na rin siya ngayon.

“Iniiwasan ko ang stress, at saka iyang depression. Kagaya ngayon na hindi halos tayo nakalalabas ng bahay, at wala ka namang mapupuntahan, pero on your own, kailangan mong ma-divert ang attention mo para maiwasan ang depression. Hindi madali iyan, pero magagawa,” banggit ni Cong. Vilma nang makausap ko.

Dagdag pa niya : “Ako, ang simula ng araw ko, tingnan ang mga diyaryo para makita mo kung ano ang totoong balita. Tapos haharapin ko ang pending na trabaho, kasi congresswoman pa naman ako. Tapos simula na iyan, kakausapin ko na ang working staff sa kongreso at sa Lipa. Tapos ngayon nakakapanood na ako ng mga serye sa telebisyon, nakikita ko na iyong mga Koreanovela. Nakakausap ko ang mga kaibigan ko. At maaga na akong nakakatulog ngayon.

“Nagigising din ako nang maaga. Iyon naman ang magandang nangyari dahil sa trabaho ko ngayon, nawala na iyong insomnia. Hindi kagaya noon, madalas magdamagan ang shooting, tulog ka hanggang tanghali, hanggang na mauwi na sa insomnia. Kahit na walang shooting hindi ka na makatulog,” pag-aalala niya pa kung bakit hindi naging regular ang tulog niya noong aktibo pa siya sa pag-aartista.

“Wala ring masyadong problema. Sa trabaho nakakatulong ko si Ralph (Recto). Sa ibang mga bagay nandiyan pa rin si Ate, at si Carla. Naipapasa ko na sa kanila ang ibang kailangang asikasuhin kaya relaxed lang ako. Palagay ko iyon lang ang dahilan, wala naman akong sikreto. Nagpapa-derma lang ako kung may problema, otherwise, basta malinis lang ok na,” chika pa ni Ate Vi.

Simple lang daw ang celebration niya ngayon, Sa bahay lang kasama ang pamilya, “bawal pa naman ang gathering talaga,” sabi pa niya.

Mclisse, ikakasal sa PBB?!

May statement na ginawa si McCoy de Leon para kay Elisse Joson at sa anak nilang si Felize. Sabi niya sa social media, “mahal na mahal ko kayong dalawa.” Pero ang puna lang ng iba, matapos nilang aminin sa publiko na may anak na nga sila, at sabihin niyang mahal na mahal naman niya ang kanyang mag-ina, ang tanong naman ng lahat, ikakasal na rin ba sila?

Pero tinawag na ngang asawa ni McCoy si Elisse kaya baka naman kasal na nga sila.

Kung hindi pa naman, baka puwedeng magpakasal sila sa PBB house, gawing abay ang mga naroroon at gawing ninong at ninang ang mga boss sa ABS-CBN. Baka kung gagawin nila iyon sumipa ang ra­tings ng PBB, na siyempre ay iba ang rating ngayon dahil sa internet lang sila napapanood.

Magiging first time iyon, kung magkakaroon ng kasal sa PBB house, o kaya kahit na sa ABS-CBN chapel, tutal may “chaplain” naman sila.

Iyon nga lang, ihihingi pa nila ng permiso sa obispo para makapagkasal sila dahil ang ABS-CBN Chapel ay isang private oratory, at hihingi rin ng permiso ang kanilang chaplain na makapagkasal.

TV host na baon sa utang, hindi na inaasahang makakabayad!

Baon pa pala sa utang hanggang ngayon ang isang TV host. Hindi pala totoo na nabayaran na niya ang lahat ng kanyang utang. “Inayos lang niya iyong nagdemanda ng kasong estafa,” sabi ng isa naming source.

Marami pa rin daw ang nag-aabang sa TV host para maningil, kaya patago siya kung pumasok sa kanilang studio. Basta naman inabot siya, ang katuwiran niya ay apektado ng pandemya ang kita niya kaya hindi muna siya makakabayad. Siyempre “pandemya eh kaya walang payola.”

Karamihan daw ng mga utang na iyon ay mayroon nang isang dekada.

Siguro naman ng dapat maisip ng mga naniningil, huwag na silang umasa pang mababayaran. Nabalasubas na sila, kaysa naman sa isipin pa nila nang isipin ang maningil at umasa pang mababayaran.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with