May pa-countdown ang fans ni Alden Richards dahil may pinaaabangan itong big announcement bago magtapos ang 2021 at ang clue na ibinigay nito ay para sa 30th birthday niya sa Jan. 2, 2022 ang big announcement.
May nabanggit na dati si Alden na mas malaki sa concert ang kanyang announcement, kaya iniisip ng aktor na tungkol pa rin ito sa project. Baka raw may international project na si Alden na isa sa kanyang mga pangarap.
Pero, may naniniwala rin na tungkol sa kanila ni Maine Mendoza ang i-a-announce ni Alden dahil hanggang ngayon at kahit may Arjo Atayde na si Maine, naniniwala pa rin ang ilang fans na sina Alden at Maine ang may tunay na relasyon na itinatago lang daw dahil sa kontrata ng aktor sa GMA Artist Center.
Isa pa sa inaabangan ng fans ni Alden ang pagbabalik sa ere ng The World Between Us this November dahil gusto na nilang mapanood ang primetime series at ang transformation ng karakter ni Alden na si Louie Asuncion. Tama ba ang tsika na sa isang eksena, sariling Mercedes Benz sports car ni Alden ang kanyang ginamit?
Kapatid ni Andi, nilabas ang resibo ng sorry ng aktres kay Albie
Hindi na lang si Jaclyn Jose ang to the rescue kay Andi Eigenmann dahil sa binuhay na isyu ni Albie Casiño dahil pati ang kapatid ni Andi na si Stevie Eigenmann, ipinagtanggol si Andi. Naglabas ng ebidensya si Stevie na magpapatotoo na nag-apologize si Andi kay Albie.
Pinost ni Stevie sa Instagram Story screenshot ng private exchange of messages nina Andi at Albie at last year lang daw ito. May kapilyahan ang caption ni Stevie na “Ooops. Accidentally publicly posted receipts. Happy halloweekend! No ill will.”
Mababasa sa screenshot ang pagso-sorry ni Andi na putol ang whole message pero mababasa ang “sorry to you at pool club x years ago and said that it was ok.”
Sagot naman ni Albie, “Yo, I remember that to the tee you hit with “masaya ka na hindi sayo” I never asked for an apology and I never really needed one. I didn’t mean any ill will with the post that’s why I cropped you out of it I thought it was just hella funny, I look at it like we’ve both moved on and we’re both different people now. I just thought I’d have a laugh about it, cuz we can’t laugh at our past hardships in life it’s kinda like being a slave to the moment still. Again no ill will or and feelings, congrats on the baby.”
Sinagot ni Andi si Albie ng “Aww but regardless, (just in case you don’t remember), i can defend myself to others had i ever wishes to do so, but it doesn’t mean you don’t deserve a better apology. The person you met once before was very young, and lost, and quite obviously a completely different person from who I am today, so on behalf of the old me, i apologize, albie! Sorry for all that volatility I may have caused you in the past, and for being so young and naive, dragging you into something you were never supposed to be a part of. I sincerely hope that you too, are in a good place right now, and that you and your family are well and great. Hope that we can put that behind us now. All the best to you!”
Nag-sorry naman pala si Andi kay Albie, baka hindi lang naalala ni Albie kaya nasabing hindi pa ito nagso-sorry sa kanya sa binanggit na si Albie ang ama ng anak na si Ellie. Maaaring ilang taon na ang exchange of messages na ito, ang malinaw, may nag-sorry at tinanggap ni Albie. Case is closed na dapat ito!
Rabiya, tambak agad ang trabaho sa Kapuso
Hindi pa pormal na ipinakikilala si Rabiya Mateo na Kapuso contract star, pero sunud-sunod na ang guesting nito sa shows ng GMA 7. Tampok si Rabiya sa isang segment ng Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday.
Isa rin si Rabiya sa magbibida sa isang episode this November. Sila ni Jeric Gonzales at Kim Rodriguez ang magkasama sa Nov. 27 episode na Magkaibigan.
Si Rabiya rin daw ang makakasama ni John Lloyd Cruz sa sitcom ng aktor Kapuso network at si Rabiya rin ang binabanggit na isa sa leading lady ni Sen. Bong Revilla sa Book 2 ng Agimat ng Agila.