^

Pang Movies

Labi ni Dolphy, ‘di na ililipat ng mga anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Labi ni Dolphy, �di na ililipat ng mga anak

Hindi na pala itutuloy ng mga anak ni Dolphy ang unang plano na ilipat sa Tanay ang labi ng Comedian King mula sa Heritage Park kung saan nakalagak ang remains nito. Ito ang ibinalita ni Epy Quizon nang makausap ng ABS-CBN para sa song niyang Lukso ng Dugo.

Kaya naisip ng mga anak ni Dolphy na ilipat sa Tanay ang labi ng kanilang ama dahil may property ang mga Quizon doon at plano nilang magtayo ng chapel at museum.

“We wanted his columbarium to be inside the chapel in Tanay. When he was placed at Heritage, there was no columbarium right away. That was the idea before. We decided na huwag na lang naming galawin si Daddy. I think he’s happy there at Heri­tage,” sabi ni Epy.

Ang “we” na tinukoy ni Epy ay silang magkakapatid at si Zsa Zsa Padilla na nagplano ngang ilipat ang labi ni Dolphy. Malayo ang Tanay at tama sina Epy na ‘wag nang ilipat doon ang labi ng ama para mas mabilis at mas malapit nilang nabibisitang magkakapatid at ibang pamilya ni Dolphy.

Joaquin, mananakot…

Tampok sina Joaquin Domagoso, Jerick Dolormente at Jamir Zabarte sa sa Halloween special ng Daig Kayo ng Lola Ko na may pamagat na Scarecation. Kuwento ito ng magkakaibigan na during semestral break, nag-rent ng ancestral house para na rin makapag-swimming sa malapit na beach.

Pagdating ng tatlo, sirang bahay ang kanilang nakita at ang caretaker nito na ginagampanan ni Pekto ay mukhang hermit at nakakatakot ang hitsura.

Kasama rin sa episode sina Yasmien Kurdi at Liezel Lopez at sa direction ni Rico Gutierrez. Airing ito, 7:00 p.m. sa GMA 7.

vuukle comment

DOLPHY QUIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with