^

Pang Movies

Papa, magbibigay ng lakas sa mga bata

Pang-masa

MANILA, Philippines — Bilang nangunguna sa pagtataguyod ng pagkakaroon ng malusog at masarap na hapag-kainan para sa bawat Pilipino, handog ng Papa Sweet Sarap Banana Ketchup ang kakaibang ketchup pormula habang pinapanatili ang “classic sweet sarap” na lasa na matagal nang mahal at kilala ng mga batang Pilipino.

Sa bago nitong pormula, layunin ng Papa na gawing mas malusog ang kinokonsumo ng bawat Pilipino sa tuwing kumakain, sa tulong ng taglay nitong B-vitamins. Hindi lang iyon, hangad din nito na mas masarap ang bawat pagkain, sa tulong ng sweet sarap nitong lasa.

Ayon sa Papa, kung isasama ito sa balanseng kombinasyon ng pagkain, maitutulak nito ang pagiging masarap at malusog ng bawat Pinggang Pinoy ang mga batang Pilipino.

Bahagi ng desisyong ito ng Papa na patatagin ang pormula ng ketchup nito sa tulong ng mga bitamina ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, na nagpapatunay lamang na kailangang gawing prayoridad ang pagpapalakas ng immune system ng bawat Pilipino.

Dahil dito, ipinagmamalaki nila ang bago nitong pormula, na hindi lamang masarap, kung hindi paniguradong palalakasin ang imunidad at enerhiya ng mga batang Pilipino.

Nasasabik din ang Papa na simulan ang isa sa mga programa nito sa hinaharap, ang Papa-Sigla, Papa-Bibo, Papa-Protektado.

Isa itong kampanya sa edukasyon tungkol sa nutrisyon, na susuportahan ng TV, at mga midyum na digital at trade. Magiging bahagi rin ng kampanya ang mga aktibidad na on-ground, dahil nais ng Papa na mas maging aktibo sa pagtuturo sa mga magulang at sa mga bata tungkol sa benepisyo ng micronutrients, tamang pagkain, at sapat na nutrisyon.

Sa paglunsad ng kampanyang ito, masaya nitong ipinakikilala sa mga bata at magulang ang mundo ng malusog na pagkain.

KETCHUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with