Si Lito Atienza na talaga ang VP ko, hah hah hah. Alam ko na maiintindihan ako ni Sen. Tito Sotto dahil matagal ko nang tinutulungan si Cong. Mayor Lito sa kanyang mga meeting sa showbiz press.
Saka love na love ko si Eric Cham ang kanyang media man na talagang tulad ni Avec Amarillo ay sobrang competent at very sweet .
Maraming taga-showbiz ang tiyak na nagulo rin sa pagpili between Tito Sotto at Lito Atienza. Pero dahil parehong gentleman at parehong bukas ang isip alam natin na kahit ano pa ang desisyon natin, tanggap nila with a smile.
Isang araw lang eleksiyon, after that balik sa normal ang lahat. Let the best man win, not only to do a good job, and make this country great again. Basta, your vote is your judgement, so give it sa talagang gusto n.yo.
Janice ‘di nagpabayad sa advocacy film
Congratulations kay Janice de Belen na nanalong best actress sa Manhattan Film Festival.
Bongga dahil kahit siya nabigla na naging daan ang isang short film na advocacy ni Bambbi Fuentes tungkol sa HIV o AIDS para ito ay kilalanin internationally.
Imagine na ginawa niya ito out of friendship kay Bambbi at para makatulong sa advocacy pero heto at win siya as best actress.
Ito ang talagang good karma, you do something good, it will return 10 folds. Ginawa ng libre ni Janice international trophy ang kapalit. What more can you ask di bah?
Kaya congrats Janice, thank you for doing that for a good cause, and now, validation of how good you are as an actress. Manhattan pa, di lang diyan sa tabi-tabi.