Ang gaganda ng mga new collection ng Kamiseta Apparel ha.. Sabi nga ni Cris Roque talaga raw hindi sila pumayag na ibaba ang quality ng mga tela na ginagamit nila kahit mas mataas ang presyo dahil quality conscious sila.
Ang sales naman pala nila lalo na sa online so far ay ganun pa rin ang dami ng mga bumibili, report ni Gigi, secretary ni Cris. Ever since ay kilala ang Kamiseta sa mga classic line nila, at ang tagal na nila sa market kaya naman kilalang-kilala na ng marami.
Naalala ko ang isang pamangkin ko noon, si Apple, na nag-iipon ng pera niya dahil nasa bucket list niyang magkaroon ng Kamiseta blouse. Lahat ng mga kolehiyala ng panahon na iyon, Kamiseta blouse ang suot dahil very feminine ang touch nila at very delicate ang tela.
Bongga! Nasa Greenhills pa rin ang main store nila na very spacious kaya puwedeng magkaroon ng social distancing habang nagsa-shopping, at sa online accounts nila para makita ang mga bagong labas nilang outfit.
Chemist Pinky, tumulong naman Sa mga mag-bababoy
Talagang cause oriented ang friend natin si Chemist Pinky Tobiano, Salve.
Imagine na ngayon ay nakatuon naman ang pansin niya sa mga pork businessman sa pamamagitan ng Support Local Meat and Pork para matulungan ang mga nag-aalaga ng baboy na affected sa importation ng mga imported meat.
Malaking bagay naman talaga na fresh at bagong katay ang mga pork na pinagbibili sa market. Kung local meat iyan, oras lang ang hihintayin at nasa market na agad. We should support our local small industries lalo na ang mga magbababoy na affected ng importation ng foreign meat.
Thank you, Pinky Tobiano, for helping out, bongga ka talaga. Everyday buy na ako ng local pork, kahit ma-high blood ako, in small way makakatulong naman sa pork industry.