Jake nagsalita na, nakaranas ng trauma!

Hupa na ang issue ng sideswiping ni Jake Cuenca sa sasakyan ng ilang police na nasa buy bust operation.

Sa interview ni Jake sa TV Patrol sinabi nitong “Hindi ko talaga naramdaman ‘yung ano, e, ‘yung sideswipe, naguguluhan din kami kung saan nangyari ‘yung bangga.”

Kasi raw walang ka-damage damage ang kanyang sasakyan bukod sa tama ng baril sa gulong.  “For me, in that moment, I was thinking, I was fearing for my life,” aniya pa.

Instinct daw ang ginawa niyang reaction dahil unmarked ang sasakyan na humaharang sa kanya.

Grabe aniya ang trauma niya pero wala na siyang planong magsampa ng kaso sa mga pulis na nag-sorry na rin naman.

Kabayan Noli, wala nang babalikan sa kapamilya?!

Pahulaan ngayon ang dahilan ng pag-atras ni Noli de Castro sa kanyang kandidatura sa pagsi-senador sa 2022.

Ilan sa puwedeng rason diumano : may issue sa campaign funds; dahil nasa grupo siya ni Mayor Isko Moreno na nag-iba ng mga taong magha-handle sa kampanya at ang stepdaughter niyang si Kat de Castro na PTV 4 General Manager.

Si Ms. Kat ang naglabas ng official statement sa pag-atras ni Kabayan Noli sa pagbalik sa pulitika.

“Nitong mga nakaraang araw, taimtim kong pinag-isipan ang desisyong pagbalik bilang isang mambabatas. At kamakailan, naghanda ako sa posibilidad na pagtakbo sa pagka-senador sa darating na halalan.

Isinumite ko ang aking kandidatura sa COMELEC noong Biyernes. Ngunit, nagkaroon ng pagbabago ang aking plano.

“Nais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin, na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura.

“Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag,” ang bahagi ng nasabing pahayag ni Kabayan Noli.

Pero kahit daw hindi na nito itutuloy ang pagtakbo sa eleksyon bilang senador, malabo na diumano itong makabalik sa iniwan niyang programa sa ABS-CBN.

Last Thursday lang siya nagpaalam sa kanyang radio show at sa TV Patrol at noong Friday lang ito nag-file ng certificate of candidacy. At kahapon, officially ay nag-withdraw na siya ng kanyang candidacy.

May rumor noon na pinangakuan si Kabayan Noli na wala siyang gagastusin sa kanyang kandidatura.

Si Karen Davila ang pumalit sa kanya sa TV Patrol na trending agad nang sumalang matapos may lumipad na dahon sa kanyang mukha habang nakaere.

Show comments