Ate Vi At Willie, atras sa 2022! Sharon, nagkasakit sa Amerika!
Matindi ang salpukan sa VP race nina Sen. Tito Sotto at Sen. Kiko Pangilinan.
Ito kaya ang rason kaya may sakit si Sharon Cuneta? Kahapon ay sinabi niyang ‘di siya makakain, ‘di makatulog at nagduduwal, pero hindi raw COVID sabi ni Ate Shawie.
Second father ng misis ni Sen. Kiko si Sen. Tito na kumakandidatong Vice President ni Sen. Panfilo Lacson (running for president), habang si Sen. Kiko ang VP ni VP Leni Robredo sa salpukan sa panguluhan sa 2022.
Common knowledge sa showbiz ang closeness ni Sharon sa mag-asawang Sen. Tito at Helen Gamboa.
Daughter si Sharon ni Elaine Gamboa na sister ni Helen Gamboa-Sotto.
Actually si Sharon ang itinuturing na panganay ng mag-asawa at ito ang nagiging takbuhan niya simula noong bata pa siya.
Pero hindi na bago ang tunggalian nina Sen. Tito at Sen. Kiko sa pulitika.
May disagreements na sila noon pa man sa maraming issue.
Maaalala ring hindi nakuha ni Sen. Kiko ang suporta noon ni Sen. Tito sa Senate presidency – 2004 – na naging dahilan para hindi noon mag-usap ang mag-tita na sina Helen and Sharon.
Naging hot topic pa noon ang sinabi ni Sharon na “Yes, politics does divide families, like when my uncle says something bad about Kiko…”
Pero naayos ‘yun nang mag-sorry si Sharon sa kanyang tita Helen.
Samantala, matapos pag-isipan ng pitong buwan ang alok ng grupo ni Pres. Duterte na kumandidato siyang senador, napagdesisyunan ng bilyonaryong TV host na si Willie Revillame na hindi kumandidato.
Sa episode ng programa niyang Wowowin, mahaba ang pahayag ni Willie, na hindi niya kakayanin ang responsibilidad dahil hindi naman siya abogado at hindi siya magaling mag-English.
Hindi rin daw niya kaya ang mga nangyayari ngayon na pagbabangayan o awayan dahil dapat daw tulungan na lang ang mga nangangailangan.
May pinapanood pa siyang video at ‘yun daw ang buhay ng mga Pilipino, na mahirap ang buhay.
Si Cong. Vilma Santos ay nagdesisyon ding ‘wag nang kumandidato at malabo na raw magbago ang isip o humabol sa last day ng filing of candidacy ngayong araw.
Samantala, dominated ng pink color ang social media kahapon matapos ngang mag-decide na kumandidatong presidente si VP Leni Robredo.
Kabilang sa nag-pink sina Anne Curtis, Sandara Park, Angel Locsin, Kathryn Bernardo, pati si Heart Evangelista na nag-display ng pink LV bag. Ang model na si Kelsey Merritt, nag-swimsuit ng pink na may hashtag na #LabanLeni2022.
May nag-display ng dinner wares, etc etc. Pati mga pagkain na pink, kumalat kahapon sa social media kaya naman trending ito.
Tuloy naman ang laban ni Claudine Barretto bilang councilor sa Olongapo.
Si Abby Viduya naman ang busy kahapon nang mag-file ng COC si Jomari Yllana na kakandidatong councilor sa Parañaque. Last term na niya ito. Kasal na lang ang kulang sa kanila.
Ngayon ang huling araw ng filing ng certificate of candidacy kaya inaasahang ngayon magpa-file si Arjo Atayde na target ang congressional seat sa District 1 ng Quezon City.
- Latest