MANILA, Philippines — Pasok bilang official selection ang dalawang music video ng Kapamilya singer-songwriter na si Jayda sa Best Music Video category ng International Film Festival Manhattan (IFFM) Autumn 2021.
Unang pagsabak ni Jayda sa pagdidirek ang music video para sa Paano Kung Naging Tayo?, habang co-director naman siya ng music video ng M.U. (Malabong Usapan) kasama si Edrex Clyde Sanchez.
Sa Instagram, nagpasalamat ang Star Magic artist at RISE Artists Studio talent sa label niyang Star Music at kay ABS-CBN Music head Roxy Liquigan. “Thank you for your belief in me and for giving me a chance and platform to expand my creative horizons and to keep challenging myself as an artist and a creator!”
May halos 1 milyong views na sa YouTube ang Paano Kung Naging Tayo? MV kung saan tampok ang dating PBB: Otso housemate na si Rhys Miguel habang ang close friend ni Jayda na si Francine Diaz ang mapapanood sa M.U. (Malabong Usapan) MV na sa ngayon ay may 661,000 views na sa YouTube.
Kasama rin sa eight-track debut album ni Jayda na Bahagi ang dalawang kanta.
Ang IFFM ay isang independent film festival sa New York City sa Amerika na nagtatampok ng de-kalidad na seleksyon ng world-class films na may iba’t ibang genre kabilang na ang narrative features, documentaries, shorts, at student films mula sa buong mundo.
Gaganapin ang screening ng IFFM Autumn Festival 2021 online mula Oktubre 14 hanggang 17 at live sa Oktubre 16 sa Producers Club sa New York City.