Allan K., namatayan na naman ng kapatid

Namatayan muli ng isang kapatid si Allan K. This time, ang kapatid niyang si Melvin ang pumanaw na pinost ng komedyante ang pic sa kanyang Instagram.

Matatandaang last year, dalawang kapatid ni Allan ang namatay ang bunsong kapatid na lalaki  at isang mas matanda sa kanyang babae.

Isa namang COVID-19 survivor si Allan.

Hindi na namin inalam pa ang sanhi ng pagkamatay ng kapatid na lalaki.

Ang aming pakikiramay…

James, naunahan pang kumandidato si Kris

Naunahan pa ng basketbolista na si James Yap ang ina ng anak na si Bimby Yap na si Kris Aquino na pasukin ang pulitika.

Isa si James sa lineup ng konsehal ni San Juan City Mayor Francis Zamora na nag-file ng certificate of candidacy matapos nilang magsimba sa Pinaglabanan Church sa San Juan ayon sa reports.

Take note na hindi si James ang basketball player na kasama sa konsehal lineup ni Mayor Francis. Nasa lineup din niya ang basketball players na sina Don Allado at Paul Artadi.

Dating basketball player si Mayor Zamora bago inagaw ng pulitika. Seeking his second term siya bilang chief executive ng city.

Show comments