^

Pang Movies

Catriona, magho-host ng miss South Africa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Catriona, magho-host ng miss South Africa
Catriona.

Ang balitang si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang magho-host ng pre-show at backstage ng Miss South Africa 2021 Pageant. In-announce ito ni Catriona sa kanyang Instagram at sa Oct. 16 na raw ito magaganap.

Makakasama ni Catriona as Backstage co-hosts si Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi at magbibigay din sila ng behind the scenes scoop.

Yaya… kumpirmado ang Book 2

Kumpirmado nang may Book 2 ang First Yaya at kahit next year pa ang airing nito, nagkaroon na ng virtual storycon ang cast o baka meeting pa lang. Ang sabi, same cast ang magbibida, pero may new cast na madadagdag.

Pinost ni Gabby Concepcion sa Instagram ang pagkikita-kita nila ng cast at sabi nito, “Magsisimula na!!! #SaMulingPagkikita.”

Speaking of Gabby, dapat ay isa siya sa host ng Gabay Guro Grand Gathering 2021 na gaganapin this Saturday na, pero may conflict ang schedule  nito, kaya hindi siya natuloy. Nanghinayang ang fans nina Gabby at Sharon Cuneta sa chance na kahit virtually, makita nila sina Gabby at Sharon.

Si Sharon lang ang natuloy sa event at nagpasalamat ang mga taga-Gabay Guro dahil kahit palipad na sa Amerika si Sharon, pumayag pa ring mag-taping for her performance. Si Sharon at ang ibang singers na magpe-perform ay puro volunteer, wala silang bayad, kaya malaki ang pasasalamat sa kanila ng PLDT, Gabay Guro at Chaye Cabal Revilla, ang Chief Sustainability Officer and Gabay Guro Chairperson for their big heart and love for the teachers.

Kiko, may pinatatamaang ahas?!

Ano kaya ang ibig sabihin ng ahas na pinost ni Kiko Estrada sa kanyang IG story? Sino kaya ang ahas na pinatatamaan ni Kiko na kung inyong naaalala, three months palang ang relasyon nila ni Heaven Peralejo, nag-break na.

Hanggang ngayon, wala pang nagsasalita kina Kiko at Heaven kung bakit ang bilis natapos ng kanilang relasyon. Basta dinelete na lang ni Kiko ang kanyang post sa Instagram at hindi na nagparamdam. Ngayon lang uli siya nagparamdam, tapos ahas pa ang pinost. Sabi ng mga nakakita sa post ni Kiko, ang ahas ay Burmese Python at nakakatakot siya.

Makikita rin sa pinost niyang picture na may bigote si Kiko at mahaba ang buhok. Kung makikita siya ni Heaven ngayon, hindi kikiligin ang aktres dahil iba ang hitsura.

Kris, iniwan agad ang asawa

Gagawa na uli ng teleserye sa GMA 7 si Kris Bernal dahil kasama siya sa cast ng Afternoon Prime na Artikulo 247. Makakasama ni Kris dito sina Jackie Rice, Mark Herras, Benjamin Alves, at Rhian Ramos. Malapit na raw ang simula ng lock-in taping ng serye at naka-quaratine na nga ang cast, kaya ang bagong kasal na si Kris, nasa quarantine at hindi ang asawang si Perry Choi ang kasama.

Wala nang kontrata sa GMA Network at GMA Artist Center si Kris, pero madalas siyang mag-guest sa shows ng network.

Nabalita palang si Kris ang papalit kay Jackie, but the last time we checked, kasama pa rin si Jackie sa cast.

Anyway, may kuwento si Kris sa mga nalagas na sunflower sa kasal nila ni Perry Choi. Kumuha pala ng sunflower ang kanilang mga guest, kaya bawas na ang bulaklak sa couple shots nilang mag-asawa. Thousands sunflower pala ang inilagay ni Gideon Hermosa sa simbahan at ma-imagine ninyo kung ilang piraso ng sunflowers ang ginetsing ng mga guest.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with