Good friends talaga sina Mark Herras at Eric Fructuoso dahil kay Eric lang nagsalita si Mark sa P30-K issue nila ng former manager niyang si Lolit Solis at bitin pa nga ang kanyang pahayag.
Sa kanyang vlog, kung saan, kasama ni Mark si Eric at naglaro sila ng Sagot o Lagot na mamimili ang tatanungin kung sasagutin ang tanong o iinom ng suka, natanong si Mark kung magkano ang pera niya sa bangko? Sagot ni Mark, “Mga P30K siguro. Inom na lang ako para walang issue” at sinundan ng pahayag na “private” ang nasabing impormasyon at dahil private, hindi niya puwedeng sabihin.
Sumagot din naman si Mark, ang sabi lang, “Ako siyempre, this is a private thing. Pero ako, ‘yung anak ko, alam ko may pera sa bangko.” Para siguro hindi na matanong pa sa isyu, uminom na lang si Mark ng suka.
Kare-renew lang pala ni Mark ng kontrata sa GMA Artist Center, may mga guesting siya at kasama sa cast ng Afternoon Prime na Artikulo 247, kaya tama ang sagot sa tanong ni Eric kung naaalagaan ba siya ng kanyang home network.
Pero, open siya na tanggapin na lumipat sa ibang network kapag hindi na siya naaalagaan o kung wala nang maibigay na project, sabi nga nito, “kung saan tayo magkakaroon ng project para makapag-provide, doon tayo.”
Allan K., may gustong imbitahin
Masaya ang medicon ng Sing Galing ng TV5 na simula sa Saturday (Sept. 18), 6 p.m., mapapanood na hanggang Sabado at tuwing Sabado ang Sing-lebrity Edition na ang contestants ay mga celebrity.
Kasama sa mediacon ang ilang celeb contestants na sina Hero Angeles, Boobsie at ang beauty queen na si Samantha Bernardo. Sa teaser, makikitang contestants din sina Kris Bernal, Alex Medina at iba pa.
Present din sa mediacon ang Jukebossess na sina Dingdong Avanzado, Allan K, Ethel Booba, at Rey Valera at ang Sing Masters na sina Randy Santiago, Donita Nose, K Brosas at iba pang kasama sa show.
Sa tanong sa Jukebosses at Sing Masters kung sino ang gusto nilang imbitahan na sumali sa show, ang gusto naman ni Allan K., mga atleta, lalo na ‘yung galing sa Tokyo Olympics para maiba naman ang maipakita nilang talent.
Bea, nakiuso sa ‘as a friend’
Pati si Bea Alonzo, nakikiuso sa expression na “as a friend” at ginamit niya ang expression na ito sa convo nila ng kaibigan niyang si Janus del Prado. Nag-comment kasi si Janus ng “Naks! Ganda naman! As as friend” sa post ni Bea ng picture from her latest print shoot. Sinagot siya ni Bea ng “Whahahaha thank you ah, as a friend.”
Anyway, tapos na yata ang quarantine ni Bea dahil nakapag-date na sila ng BF niyang si Dominic Roque, pero sa bahay lang nina Bea. Nasundan ‘yun ng dinner date rin nila sa condo naman ni Dominic.
Nag-post si Bea ng short video na makikita si Dominic pouring a glass of wine at makikira rin sa video ang candle-lit dinner setup. Lalo pang naging sweet ang ambiance dahil sa caption ni Bea.
Samantala, naurong sa October ang simula ng lock-in shooting nina Bea at Alden Richards ng movie nilang A Moment to Remember. Tatapusin muna yata ni Alden ang taping ng drama series niya sa GMA 7 na The World Between Us para hindi siya palipat-lipat ng set.