Korean actor na si Park Seo Joon kumpirmado sa Marvel movie

Kumpirmado na kasali na sa Marvel movie ang Korean actor na si Park Seo Joon.

Ayon sa online reports, mismong ang management agency ng sikat na Korean actor ang nagkumpirma.

“We thank the many people who have shown interest and support for Park Seo Joon as he takes on this new challenge.

“We are well aware that many people are curious about the name of the film in which he will be appearing, his character, the filming location, and his filming schedule, but we plan to reveal the details of the movie at a later date,” ayon sa lumabas na statement ng management K-actor na kabilang sa mga sikat na drama ay ang Itaewon Class, Fight For My Way,  What’s Wrong with Secretary Kim at marami pang iba.

Ibang level din sila though pang-tatlong Korean actor na pala siyang nakasama sa Marvel movie.

Paolo, parang Dolphy at Mang Ramon daw!

Kumalat sa social media platforms kahapon ang video nina Paolo Contis and Yen Santos na kuha diumano sa may Manaoag, Pangasinan area.

Duda ng nagpadala ng video, nagsimba ang dalawa.

Pareho silang naka-shorts at black face mask & black face shield kaya hindi masyadong napansin ng mga nadaanan nilang kalalakihan pero may nakakuha ng video sa kanila habang naglalakad at nakahawak si Yen sa braso ng ex ni LJ Reyes.

Bukod dun meron din silang kuha sa Baguio habang kumakain naman.

Same ang damit nila na nakunan sa may Manaoag.

Though walang kuha na nakaharap ang dalawa.

Pero ‘yun nga, mabilis na-identify si Yen dahil sa built diumano ng katawan.

Si Paolo, siyang-siya sa side view base sa mga nagkalat na video.

Grabe, kumbaga sa babae, ang haba ng buhok ni Paolo.

Imagine, mala-Mang Dolphy and Ramon Revilla yata ang magiging peg niya. Charrr. Hahaha.

‘Yun nga lang, hirit ni Nay Lolit Solis, may kulang kay Paolo, ang datung. Hahaha.

Sina Dolphy and Mang Ramon kasi sobrang yayaman nga naman. Eh si Paolo naiisyuhan sa pera ha.

Seriously, ano nga kayang meron si Paolo?

Hahaha.

Anyway, wait natin kung ano ba talagang meron kina Paolo at Yen na break na  diumano sa kanyang rich ‘papa’ dahil diumano, may ibang love na si rich papa.

And the plot thickens dahil nadadawit na ang isang papasikat na young actress na nauna na diumanong niregaluhan ng Alphard na kotse ni rich papa na almost P4 million ang halaga.

Ang ganda ng ganyang sakyan ha, pang-mayaman talaga ang feel sa loob. First class, pang-elite kumbaga.

Well, ‘yun ay kung totoo lang naman.

Show comments