Jasmine at Glaiza, nagpasalamat sa Urian
Thankful sina Kapuso actresses Jasmine Curtis-Smith at Glaiza de Castro sa Gawad Urian, sa pagka-nominate nila sa Best Actress category.
Masaya si Lia (Jasmine) ng The World Between Us sa nomination mula sa award-giving body: “Salamat po sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino. I am always very honored and grateful to be recognized by your prestigious committee for my roles and to be among the best actresses of this industry.”
Anytime next week ay papasok na muli sa lock-in taping si Jasmine at ang buong cast ng primetime series nila pagkatapos ng required quarantine sa kanila.
Samantalang hindi naman pala in-expect ni Glaiza as Maita sa GMA Afternoon Prime na Nagbabagang Luha daily, from Mondays to Saturdays sa GMA 7 after ng Eat Bulaga, ang nasabing nominasyon niya.
Ken, may kasunod agad na trabaho
Nagpasalamat din si Kapuso actor Ken Chan dahil magtatapos pa lamang ang GMA Afternoon Prime series nila ni Rita Daniela, ang Ang Dalawang Ikaw this Friday, pero heto at may bago na siyang project, na nag-taping na rin sila, ang primetime debut ng Regal Studio Presents (RSP).
Ang pilot episode ay That Thin Line Between na written ni Direk Joey Javier Reyes at idinidirek ni Easy Ferrer. Katambal ni Ken si Kapuso actress Sanya Lopez.
Mabilis nga raw napili sa role si Ken dahil masuwerte siya, sa lahat ng projects na ginawa niya. Si Sanya ay katatapos din lamang ng top-rating series niyang First Yaya kaya magandang combination ang dalawa na pareho namang natuwa dahil romantic-comedy ang kanilang series.
Ang Regal Studio Presents ay idea ni GMA Executive Joey Abacan at ni Ms. Roselle Monteverde ng Regal Films, na tinawag nilang biggest telemovie collab ng taon.
Puring-puri naman ni Direk Easy Ferrer ang first time niyang magtrabaho sa GMA Network. “Bagong mundo talaga working with GMA people, they are very kind, magiliw silang kausap, ka-brainstorm and very welcoming. Very systematic sila when it comes to workflow kaya malinaw lahat ng bagay.”
Inamin din ni Direk Easy na excited siyang makatrabaho ang mga GMA artists dahil alam niyang very talented nila, na-excite raw siya kina Ken at Sanya. Kahit daw ang mga young stars na sina Sophia Pablo at Allen Ansay na bida niya sa second episode na dinirek niya, ang Raya Sirena ay mahuhusay din.
- Latest