^

Pang Movies

Richard, sigurado na ang pagpalit kay Lucy

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Richard, sigurado na ang pagpalit kay Lucy
Lucy

Tiyak na raw ayon kay Lucy Torres ang pagtakbo bilang congressman ng asawang si Richard Gomez sa 4th district ng Leyte, bilang kanyang replacement, kumbaga, in the 2022 elections.

Pang-4th term na raw niya. Richard is the current mayor ng Ormoc City.

In any case nga pala, ‘di pa niya tiyak kung kaninong partido siya kakampi, sakaling tumakbo nga siyang senador.

Samantala, her and Richard’s only child, Juliana, is turning 21 this September 8. Sa UP ito nag-aaral at reportedly Business Admi­nistration ang kursong pinag-aaralan.

Minsan ding na-link si Juliana sa young actor na si Marco Gallo, at kay Andres Muhlach, anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

High school ­teacher na 100 years old ni Gloria Romero, nahanap pa!

Wow, Salve A., type ko ang feature kay Gloria Romero sa programang Tunay na Buhay on GMA last Wednesday, August 25.

Tunay na special attraction ang photographs ni Gloria noong kanyang kabataan. At ang still photos ng ilan niyang movies, tulad ng Dalagang Ilocana, Cofradia, etc.

Gloria was 16 years old, when nabigyan siya ng pagkakataong maging sikat na artista ng Sampaguita Pictures.

She was not just turning into a beauty as, kumbaga, the years go by. Gumaling din siyang artista, as proven by the numerous acting awards na kanyang napanalunan. No wonder, for sometime, she was dubbed Queen of Philippine Movies.

In any case, what proved the bigger attraction sa kanyang feature sa Tunay Na Buhay was the presence of a high school teacher of hers, now 100 years old.

But Ma’am is still articulate at ‘in’ sa mga nangyayari sa kanyang paligid lalo’t tungkol sa showbiz. She knows all platforms kung saan ipinalalabas ang mga ito.

Except sa may tungkod na ito, she could still walk around their house on her own.

Gloria will turn 88 on her birthday on December 16. She still stands tall and erect.

Wala raw siyang regret sa buhay, except that she would have wanted more children and apo.

But she and her late husband, Juancho Gutierrez, also sa former Sampaguita actor, ay biniyayaan lang ng isang anak, Maritess. Iisa rin lang ang naging anak ni Maritess, si Christopher.

Mahal at Mura, magkaiba ang naging buhay

Nagkita, after several years, ang dating unusually ‘bulilit’ na magka-tandem na sina Mahal at Mura.

Dinalaw kasi ni Mahal si Mura, na sa isang mala­yong baryo na sa Guinobatan, Albay nakatira.

From how the two of them look now, halata ang big disparity between, lalo’t pangkabuhayan ang pag-uusapan.

Nahulog daw pala sa tricycle si Mura, kaya napilay dahil hindi kaagad nakapagpagamot.

And don’t ask na lang why, Salve A.

In the case of Mahal, napapanood pa rin natin siya sa TV. Huling napanood si Mahal sa Owe My Love, topbilled by Lovi Poe at Benjamin Alves.

LUCY TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad