^

Pang Movies

Carla, kinupkop ng fil-am actor sa amerika!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Carla, kinupkop ng fil-am actor sa amerika!
Carla

Hindi naging madali ang naging desisyon ng dating Kapa­milya singer, actress, painter at commercial model na si Carla Humphries (33) na talikuran ang kanyang showbiz career sa Pilipinas at mamirmihan sa Los Angeles, California, USA for good.

Katunayan, it was a struggle at first lalo pa’t kailangan niyang magsimula roon from scratch.

Ibinasura na ni Carla ang kanyang screen name na Carla Humphries at gamit na niya sa Amerika ang kanyang real name na Madeleine Humphries at Madz naman ang kanyang palayaw dun.

Pinasasalamatan ni Madeleine (Carla) ang Filipino-American Hollywood actor na si Dante Basco dahil ang pamilya nito ang pansamantalang kumupkop sa kanya sa kanyang pagsisimula ng kanyang  sa LA dahil wala siyang pamilya na masasandalan doon. Unti-unti rin siyang natuto gumawa ng mga bagay na hindi niya ginagawa nung siya’y nasa Pilipinas tulad ng pagluluto, paglalaba, paglilinis at iba pang gawaing bahay.

Since wala siyang sasakyan nung umpisa, natuto umano siyang maglakad ng 10 mile a day na never din nangyari sa kanya nung siya’y nasa Pilipinas. Pero lahat ng hirap at pagtitiyaga ay unti-unting nag-pay off kay Madeleine dahil siya ang kinuhang bida sa American short film na The Hunt, isang action sci-fi na dinirek ni Feben Garcia under Z Team Films. Ang nasabing pelikula was premiered noong nakaraang August 13 sa Raleigh Studios in Hollywood, California, USA at nagsimula ang streaming online nung nakaraang August 20, 2021.

Si Feben ang siyang director ng Hollywood movie na Die Fighting at The Witcher: Season 2.

As Carla Humphries, siya’y nagsimula ng kanyang showbiz career sa Pilipinas noong 2003 bilang bahagi ng Star Circle II (now Star Magic) kung saan siya kabilang mula 2003 hanggang 2009. Naging talent din siya ng TV5 at Viva Artists Agency.

Yassi, ang daming ­naipundar na negosyo

At age 26, masasabing isang successful entrepreneur ang singer, dancer, actress, TV host, celebrity endorser si Yassi Pressman dahil sa maraming investments nito.

Nariyan ang kanyang sariling Mexican resto-bar in Siargao, ang Zicatela which offers Mexican food and cocktails, ang dog accessories na Presidential Paws na matatagpuan sa BGC, ang sisimulan niyang Airbnb business in San Benito Farm in Lipa, Batangas, ang napakagandang house (for Airbnb) in Lake Scugog in Ontorio, Canada, ang kanyang ipinatayong bahay nung nabubuhay pa ang kanyang amang si Ronald Pressman at iba pang business na nasa planning stage.

Although wala sa immediate plans ni Yassi ang pag-settle down, kasama umano ito sa kanyang future plans. “Siyempre, gusto ko rin namang magkaroon ng sarili kong family and my own kids,” pag-amin niya at the digital press conference hosted for her ng Viva Artists Agency.

Hindi ikinakaila ni Yassi na sobra umano siyang nag-e-enjoy sa kanyang first hosting job ng Philippine adaptation ng Rolling In It (Philippines) mula sa British hit game program of same title. Bukod sa nakukuha niyang enjoyment hosting the show, dagdag na rito ang patuloy na pagtangkilik sa programa ng mga manonood at pagiging consistent sa pagti-trend nito sa Twitter for 12 consecutive weeks na magtatapos ang unang season on October 2.

Any day soon ay sisimulan naman ni Yassi ang kanyang bagong movie sa bakuran ng Viva Films, ang local adaptation ng hit Korean movie na More Than Blue na pagsasamahan nila nina JC Santos at Marco Gumabao mula sa direksiyon ni Nuel Naval na siya ring nagdirek ng Miracle in Cell No. 7 na pinagbidahan ni Aga Muhlach sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Ang pelikulang More Than Blue was a box office Korean movie in 2009 and was remade in Taiwan in 2018 at naging highest grossing film of all time sa nasabing bansa na kumita sa box office ng mahigit $300 M.

Samantala, hindi ikinakaila ng Fil-British actress na hindi naging madali sa kanya na iwan ang TV series na sobrang napamahal sa kanya, ang FPJ’s Ang Probinsyano where she played the role of Alyana Arellano-Dalisay, ang misis ni Cardo Dalisay na ginampanan ng lead actor-director na si Coco Martin.

Limang taon naging bahagi si Alyana ng top-rating and longest-running action drama series at tumatak na rin sa mga manonood ang kanyang character niyang si Alyana.

“Kung anuman siguro ang narating ko, malaking bahagi ru’n ang Ang Probinsyano,” diin pa niya.

CARLA HUMPHRIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with