Naiyak na nang tuluyan ang staff and crew ng mga pelikula o TV shows na binalak mag-shooting sa Baguio City.
Lumabas sa isang TV news report na ipinagbawal na nang tuluyan ang production shoot sa Baguio City.
Epekto marahil ito ng isyung kinasangkutan ni Arjo Atayde at mga kasama niya.
Sa Baguio madalas mag-shooting ni direk Erik Matti pati na noong kasagsagan ng pandemic. Maganda kasi ang klima sa City of Pines at masarap ang food. Maganda at cinematic ang lugar.
Anak ni AiAi, laging nakakaligtas
Miraculous ang tawag ni AiAi de las Alas sa pangalawa niyang anak na si Niki. Na-hit ang run ng sinasakyang kotse ni Niki, nahulog sa bangin at milagrong nakaligtas sa mabilis na pagtulong ng 911 at iba pa.
Tanging pasa sa may hips lang ang tinamo ni Niki at pamamaga nito at walang isang galos base sa nakaraang post ni Ai Ai sa Instagram.
“Pumulupot ang umbilical chord ko kanya kaya may pasa sa bibig niya ng konti…Parate siyang nakakaligtas 3rd life niya na ito…
“Feeling ko magiging ministro ‘tong batang to. I love you nicky picky…TO GOD BE THE GLORY #shaunnicolo #second child,” caption ni AiAi sa picture ng anak sa kanyang IG na maayos ang hitsura.