Willie, dinala sa kanyang resort ang Wowowin
Maraming nagtaka nang after ilang araw na nag-live si Willie Revillame ng show niyang Wowowin: Tutok To Win sa Clark International Airport sa Pampanga, ay bigla silang nag-replay nang sumunod na tatlong araw. At last Wednesday, August 18, ay bigla na silang live muli, pero hindi na sa Clark, kundi sa kanyang beach resort na sa Barangay Palangan, Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Inihanda pala muna ni Willie ang paglipat nila ng venue dahil hindi sila papayagang mag-show sa Quezon City dahil nasa Enhanced Community Quarantine ito ngayon. Nakipag-usap muna siya sa Mayor ng Puerto Galera, para maipagpatuloy doon ang show at makapagbigay sila ng saya, live, sa mga manonood nito araw-araw. Kasama ni Willie ang mga cameraman, technical staff, dancers, bagong staff ng show at si Direktor Randy Santiago.
Bitoy, nilinaw na ‘di lalayas sa GMA
Nilinaw ni comedian-actor Michael V. na hindi totoo ang rumors na aalis na siya sa GMA Network at magwawakas na rin daw ang airing ng comedy show nilang Pepito Manaloto. Inihayag ni Bitoy ang sagot niya sa netizens sa kanyang YouTube vlog:
“I have a program contract with GMA at automatically, ibig sabihin hindi ako lilipat o naghahanap ng malilipatang istasyon. Ang dahilan ng pansamantalang paglipat ng regular story ng Pepito Manaloto with the regular cast, humahanap lang kami ng diskarte kung papaano kami makagagawa ng mas magandang presentation ng show.”
Ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ay siya ngayong napapanood kasama ang younger cast nina Sef Cadayona, Mikee Quintos, Kokoy de Santos and others. Plano itong ipalabas ng three months at kung magugustuhan ng televiewers ay maaaring mapanood ng hanggang six months to one year.
Napapanood ito ng 6:15 p.m. every Saturday.
Derrick, nilantad na may natitipuhan
Matagal nang loveless, pero sikreto pa at ayaw pang ibulgar ni Kapuso hunk actor Derrick Monasterio kung sino ang babaeng kinakausap niya at nasa ‘getting-to-know stage’ pa lamang ang kanilang relasyon.
“Usap-usap lang, Good night, good night, paalaala lang ‘“wag kang magpapa-gutom, ganyan!” Ang baduy eh pero ganun naman talaga, ‘pag may care ka sa tao, “eat your lunch,” mga ganoon!”
Mauuwi ba sila sa seryosong relasyon, hindi pa raw niya masabi, kaya nasa dating at getting-to-know stage nga muna sila para malaman nila kung puwedeng maging sila. “Kailangang makilala mo muna siya, you have to know her flaws, likes, interests, dislikes ninyo about each other.”
Busy ngayon sa dalawang shows si Derrick Monasterio, catcher host siya ng Catch Me Out Philippines at Legal Wives.
- Latest