^

Pang Movies

Bong at Alfred, abalang-abala!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bong at Alfred, abalang-abala!
Bong at Alfred.

Hindi nga kakandidata sina Bong Revilla (may natitira pa siyang term sa senado) at Cong. Alfred Vargas. Pero pagod pa rin sila siyempre sa pagtulong sa preparasyon ng mga mahal nila na siya namang kakandidato.

Like si Bong, dapat din tulungan sila Lani Mercado at anak na si Vic Gov. Jolo Revilla. Si Alfred naman, dapat gabayan si Coun. PM Vargas.

Mas pagod pa nga sila at mas excited sa kalagayan ng mga mahal nila dahil gusto siyempre nila na mabigyan ng sapat na tulong ang mga ito. Mas may nerbiyos din sila kesa kung sila mismo ang kandidato.

Si Alfred talaga parang doble ang pagod para sa kapatid na si PM. Alam kasi niya ang papasuking hirap ng kapatid kaya nakabantay siya at tutok sa lahat ng ginagawa nito.

Si Bong buti at wala munang TV show, kaya buong panahon nakay Lani at Jolo ang atensiyon. Lalo pa nang magkaroon ng surge ang covid sa Bacoor.

Ang hirap ngayon dahil ang daming problema na kailangang tugunan, talagang lahat ng oras mo kakainin ng pagtulong sa mga tao na nangangailangan talaga ng tulong.

Ang hirap din ng financial situation na doble dahil nga sa ECQ.

Parang ngayon talaga makikita ang mga may ginagawa at iyon walang maitulong. Talagang kailangan ng ayon ang matibay.

Pangarap ni Iza, natupad!

Cute naman iyon gaganap na isa ring Darna si Iza Calzado.

Bale mauuna pa si Iza at saka lang niya ipapasa ang bato kay Jane de Leon.

Tiyak ang saya ni Iza dahil talagang dream niya na mag-play ng Darna noon pa man kaya nang ibalita ni Noel Ferrer sa kanya ang alok talagang jump for joy si Iza.

Nakakatuwa na kahit pa nga sandali lang ang magiging part niya sa Darna talagang naging happy si Iza dahil matagal na niyang dream na gumanap na superhero.

Isa kasing legend para sa lahat ang Darna at Dyesebel kaya naman halos lahat ng artistang babae dream na magampanan ang role na ito. Ang ganda naman na natupad din ang dream ni Iza na ang ganda-ganda rin ngayon dahil masaya sa married life niya na siguro maganda magiging babies nila ng asawang foreigner dahil mukhang perfect combination sila.

BONG REVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with