Heaven at Kiko, lumantad!
Finally ay kinumpirma na rin nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada ang kanilang relasyon in their latest Instagram posts.
Makikita sa kani-kanilang posts ang mga larawan ng kanilang sweet moments na nagbabandera ngang sila na nga.
Simpleng “his” lang ang caption ni Heaven habang si Kiko naman ay “I love you” ang kanyang mensahe na sinagot naman ng “I love you too” ng young actress.
Matatandaang nagkasama sa seryeng Bagong Umaga sina Kiko at Heaven and obviously dito sila nagsimulang maging close. Di kalaunan ay natsismis nga na break na sina Kiko at Devon Seron at naakusahan pa si Heaven na cause of the break-up although pareho naman itong itinanggi nina Heaven at Kiko.
Comeback ni Julia, pinaghandaan!
Nagsimula nang mag-taping si Julia Montes para sa FPJ’s Ang Probinsyano kahapon at talagang dumayo pa sila sa Ilocos Sur for the location. Inanunsyo mismo ito ng head ng Dreamscape na si Deo Endrinal sa kanyang Instagram with matching short clip sa location.
“Today is the first taping day of Julia Montes for Ang Probinsiyano in Ilocos Sur,” ang caption ni Sir Deo.
Makikita ring talagang pinaghandaan ni Julia ang kanyang role dahil dumaan muna siya sa training bago siya sumabak si taping. At mismong ang leading man niyang si Coco Martin ang nagte-train sa kanya at hands-on talaga ang aktor sa kanyang pagsasanay.
Sa isang video na inilabas ng ABS-CBN, makikitang mabusisi talaga ang pagtuturo ni Coco kay Julia mula sa galaw ng mga kamay, tamang posture at mga tamang moves sa fight scenes.
May mga lumabas ding video na makikitang nagsasanay si Julia sa pagbaril at pagmomotorsiklo.
Bukod pa rito ay may Muay Thai instructor pa na kinuha para i-train din si Julia.
Ngayon pa lang ay napakarami nang nag-aabang sa paglabas ni Julia sa FPJAP lalo pa nga’t tv comeback ito ni Julia after a long while.
- Latest