Malaking tulong para kay Jane de Leon ang pagganap niya sa Maalaala Mo Kaya bilang si Nesthy Petecio na Olympic silver medalist ngayong matutuloy na gagawin niyang Darna.
Natural ang kilos niya bilang boxer, hindi puwedeng gumanap sa Darna ang lalambot-lambot kumilos at magsalita.
Masaya naman ang manager niyang si Tyron Escalante sa nagaganp sa career ng alaga.
Sampalan nina Lorna at Ara, nakawala ng antok
Nakakawala ng antok eksena nina Lorna Tolentino at Ara Mina na biglaan ang pagsampal ni Ara dahil kursunada nitong gumaganap na Pangulo si Rowell Santiago.
Onyok, nakatanggap ng tulong
Nagbubunyi ang mga Pilipino maging taga-ibang bansa sa pananalo ng gold medal ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics at special mention din ang tatlong boksingero na nanalo rin ng medalya.
Napintasan nga si Nesthy Petecio na sinabing silver medal lang ang napanalunan. Pero at least nanalo.
Sa kasayahang ‘yon may nagkomento na sana bigyan din ng biyaya or pabuya si Onyok Velasco na nanalo noong 1996 Atlantic Olympics pero sorry to say hindi natupad ang ipinangakong premyo ni Onyok.
Kung tutuusin, dapat daw bigyang-pansin si Onyok dahil nadamay ito sa kahirapang umaatake sa showbiz ngayon dahil sa pandemya.
Sana nga magkaroon ng himala na maabutan ang champion na si Onyok na nakipaglaban para sa Pilipinas.
Bagama’t nangako na Office of the President na magbibigay ng P500K bilang pinansyal na suporta kay Onyok pero hangga’t di niya nakukuha, ‘di masasabing may natanggap siya.
Pakikiramay…
Deepest condolences sa pamilya ng katotong writer na si Ansel Beluso.
Nakikiramay rin kami sa pamilya ni Nilo Maligaya ng Villa Milagrosa Subdivision, Lucena City. Si Nilo ay taga-Pola Oriental Mindoro.