Maraming followers ng Ang Probinsyano ang nag-react sa eksenang brutal ni Aya Fernandez na pinahirapan at pinatay ng promising villain actor na si Simon Ibarra.
Karamihan sa mga umaalma ay ang mga nanay na nanonood ng serye ni Coco Martin na sabihin mang for Parental Guidance, hindi maiiwasang may mga batang kasama ng mga nanay na nanonood.
May nagtatanong paano raw nakalusot ang mga ganoong eksena ng naturang serye ng Kapamilya, sana raw iwasang magpakita pa muli ng ganitong uri ng paghihiganti ng mga kriminal sa kapwa.
Hidilyn, madasalin
Nagbubunyi ang buong Pilipinas dahil sa gold medal sa Olympic games ni Hidilyn Diaz.
Imagine nga naman after 97 years, ngayon lang nanalo ng gold sa Olympics ang Pilipinas dahil kay Hidilyn. Umiyak nang todo si Hidilyn pagkatapos manalo habang suot niya ang medalya.
Isang relihiyosang athlete pala si Hidilyn, kuwento ng manager niyang si Noel Ferrer.
Dahil sa pagkapanalo ni Hidilyn na nakapiling na ang mga magulang galing Zamboanga, muling ibabalik ang istorya ng kanyang buhay sa Maalaala Mo Kaya.
May mga komentong sana raw huwag mahaluan ng pulitika ang pagkakapanalo ng dalagang atleta dahil tiyak na mawawalan ng kulay tagumpay kapag pinasukan ng pulitika.
Ping, hinusgahan na agad
Huwag naman sanang husgahan nang todo ang panghihingi ng cash donation ni Ping Medina para raw sa kanyang kaarawan.
Sa hirap ng buhay sa showbiz ngayon, bumigay siya at nagsabi ng totoo.
Sa totoo lang hindi dapat mag-react ang mga humuhusga sa actor kasi hindi naman sa kanila humihingi at nakikiusap lang naman siya sa mga gustong magbigay. Mistulang ipokrito naman kung sabihin ng mga taga-showbiz na hindi sila nahihirapan ngayon matapos mawalan ng trabaho at puksain ng COVID.
Maligayang kaarawan, Manay Ethel!
Noong August 1 ay nag-celebrate ang Dean ng entertainment writers na si Manay Ethel Ramos ng kanyang kaarawan. Dati, tuwing birthday ni Manay, bumubuhos ang pagbati kasabay ng mga mamahaling regalo buhat sa mga natulungang artista at movie producers.
Nagsasama-sama rin ang kanyang malalapit na kamag-anak at kaibigan sa isang dinner noong tuwing birthday niya.
Hindi kami manghuhula pero dama naming iba na ang celebration ngayon ni Manay.
Belated happy birthday, Manay Ethel.
Birthday greetings din sa iba pang July-born na sina Xian Lim, Raymart Santiago, Zanjoe Marudo, Eugene Domingo, Lala Aunor, Agot Isidro, Susan Valdez, Wilma Doesn’t, Deo Macalma, Rayver Cruz at Claudine Barretto.