Pinoy skater Michael Martinez,nananawagan ng ayuda

Michael

Dahil sa panalo ni Hidilyn Diaz ng kauna-unahang gold medal mula sa Olympics, lumabas na ang katotohanan na halos walang budget ang gob­yerno para sa ating mga atleta. Kaya naman ang ating mga ipinapadalang atleta, sila-sila na lang daw ang gumagawa ng paraan para makakuha ng sponsors na aako sa kanilang mga gastusin sa ibang bansa. Maging si Hidilyn at ang kanyang team ay nangalap ng sponsors para makarating sila sa Tokyo Olympics. Ang ibang gastusin ay galing na sa sarili nilang bulsa.
Ito ang naging masaklap na katotohanan para kay Filipino figure skater Michael Christian Martinez na nag-post ng isang GoFundMe account para mang­hingi ng donasyon para sa kanyang training expenses para sa 2022 Beijing Winter Olympics sa February.
Kasalukuyang nasa Russia si Michael para sa kanyang training with coach Nikolai Morozov, na isang top international figure skating coach. Preparation ito ni Michael para sa Winter Olympics Qualifying Event: Nebelhorn Trophy on September 22 to 25, 2021 in Germany.
Heto ang mensahe ni Michael sa kanyang Facebook account:
“Hi! This is Michael Christian Martinez. I am officially back on ice and I am aiming to qualify once again for the upcoming 2022 Beijing Winter Olympics on February 4-20, 2022.
“My team and I have organized a fundraising campaign called MICHAEL MARTINEZ - Road to 2022 Winter Olympics to help out with some of the training expenses for the reason that I currently don’t have sponsors yet. So I am humbly reaching out to you to join me on my journey towards the 2022 Winter Olympics and bring recognition once again to the Philippines.”
Panay ang pakiusap ni Hidilyn na suportahan ng gobyerno ang mga atletang Pinoy. Baka nga naman sa maayos na suporta ay mas marami pang maiuwing panalo ang ating mga atleta. Dahil sa laki ng matatanggap ni Hidilyn, maaaring mabigyan niya ng financial help ang ibang mga atleta tulad na lang ni Michael Martinez.
Si Michael Martinez ang kauna-unahang figure skater from Southeast Asia to qualify and compete in the Winter Olympic Games and Youth Winter Olympic Games. Pangarap ni Michael na siya ang kauna-unahang figure skater na mula sa Southeast Asia na makakuha ng Olympic medal.

Show comments