Ang magdasal agad ang ginawa ni Rep. Vilma Santos nang maramdaman niyang lumilindol nung Sabado ng madaling araw. “Nagising ako at ang unang pumasok sa isip ko Taal. Alam ko gising na rin si Ralph (Recto) pero hindi siya kumikibo, siguro pinakikiramdaman pa niya ako. After a few minutes, nagkaroon ng aftershock. Talagang nagising na kami and started to gather information. Tapos nabigla ako na 6.6 ang magnitude at ang epicenter pa ay sa Calatagan,” umpisa ng kuwento ni Ate Vi sa amin.
“Talagang ang nasa isip ko, ano ba naman iyan. Huwag naman po. Talagang dasal na lang ang magagawa, hawak ko na iyong rosary ko na gawa pa ni Mama, kasi the day before ang report sa akin may baha na raw dahil sa walang tigil na ulan at problema iyan sa ilang lugar sa Batangas. Alam ko iyan dahil siyam na taon akong governor diyan,” dagdag pa niyang kuwento.
“By 7 o’clock in the morning (kahapon), sinabihan na rin ni Ralph ang mga tao sa Lipa office namin na i-gather lahat ng information, damages, at humanda na sa relief operations. Mayroon naman kahit na papaanong naka-ready dahil ilang araw na iniisip na nga namin ang bagyo, Taal, at ngayon lindol pa.”
Mabuti na lang virtual lang ang gaganaping SONA bukas, kaya ayon kay Ate Vi, madaling maasikaso kung anumang epekto ng baha at lindol sa kanilang lugar.
Ano ang naiisip niya ngayong tiyak na mas maraming tao ang kailangang i-evacuate? “Sa Batangas, marami kaming mga simbahan, maraming kumbento ng mga pari at madre, ang mga Batangueno relihiyoso at tiyak marami ang nagdarasal. We will survive,” huling pahayag pa ni Ate Vi na ginagawa ang lahat para matulungan ang mga kababayan niya.
Anne umaapelang taasan ang ‘age of consent’
Na-shock din si Anne Curtis at nakiisa sa panawagan ng UNICEF sa ating kogreso na baguhin ang umiiral na batas na nagsasabing ang age of consent ay 12 years old. Ibig sabihin, kung mayroon mang naag-abuso sa mga batang ganyan ang edad, maaari nilang maikatuwiran na “pumayag ang bata.”
Tapos sa report daw ng DSWD ang biktima ng statutory rape, ibig sabihin hindi man tuwirang ginahasa, maaaring hinipuan sa mga pribadong bahagi o ibang uri ng pang-aabuso, nasa pagitan ng 14 hanggang 18. “Babae man o lalaki pareho rin iyan,”sabi ni Anne.
Maraming mga dayuhang pedophiles na nahuli sa ating bansa. Hindi man siguro sila aware na sila ay pedophiles din, pero iyong mga bading na naghahanap ng “bagets” at mga straight na mahilig sa “daisy” mga pedophiles iyan. Kaya kailangan ang paghihipit sa batas. Sabi nga ni Anne, “sana gawin man lang 16, although bata pa rin iyon, kaysa naman sa batas na 12 ang age of consent”.
Showbiz gay, kilalang pedophile…
May isang showbiz gay na alam halos ng lahat na ganyan ang reputation. Mahilig siya sa bagets. Halos lahat ng sinasabing naka-relasyon niya ay bagets.
Walang nagsasabing pedophile siya, wala sa isip natin iyon eh. Kasi wala naman siyang pinipilit, pinapatulan siya dahil may pera siya, pero kung iisiping mabuti pedophile siya at ang ginagawa niya ay statutory rape. Kahit naman lalaki nare-rape.
Mabuti ngayon, dahil matanda na rin naman siya, mukhang tumigil na. Pero nangyayari talaga iyan, iyong mga bagets na gustong sumikat na artista, dancers, models at kung anu-ano pa, biktima iyan ng mga pedophile. Hindi naman lahat pero karamihan sinasabing dumadaan sa ganyan.