Claire, susundan ang ­yapak ng mga ­magulang

Claire.

Dahil parehong artista ang parents ni Claire Castro, natural lang na sa showbiz din ang punta niya. Sa show na TGIS nag-meet ang parents ni Claire na sina Diego Castro at Raven Villanueva. Naging malaking issue nga noong umamin si Raven na buntis siya at nagpakasal sila ni Diego.

Kahit na raw ang lolo at lola niya sa father side na sina Angelo Castro, Jr. at June Keithley ay naging mga artista rin sa TV at pelikula. “I come from a family who are really connected with showbiz. Bata pa lang ako, I really was curious sa work ng parents ko. Kaya it’s not a shock na nandito ako ngayon and trying my luck in showbiz,” sey ni Claire.

First teleserye ni Claire ang Nagbabagang Luha kung saan ginampanan niya ang role na Cielo na si Alice Dixson ang gumanap sa 1988 film na dinirek ni Ishmael Bernal. May maiinit siyang eksena kasama si Rayver Cruz at Royce Cabrera. 

Fil-Am trans actress/model, proud na ‘vessel of change’

Na-achieve ng isang Filipina-American transgender actress-model na si Leyna Bloom ang maging cover ng Sports illustrated Magazine Annual Swimsuit Edition.

Sine-share ni Leyna ang kanyang tagumpay sa lahat ng transwoman na tulad niya.“I hope my cover empowers those, who are struggling to be seen, feel valued. Let me be a messenger guiding us to a future of respect and appreciation for all women in all forms and from all walks of life. I truly believe everything we do and everyone we meet are put in our path for a purpose. There are no accidents,” bahagi ng post niya.

Bago siya maging cover girl, naging first openly trans model si Leyna to walk the runway at the New York Fashion Week and became the first trans woman of color to appear in Vogue India noong 2017. “I’m representing Filipina, I’m representing Black, I am representing people who have been immigrants. For them, I’m a vessel of change,” sey ni Leyna sa interview niya with New York Times.

Taga-General Santos City ang ina ni Leyna at African-American descent ang kanyang ama.

Hailey, tumangging buntis na kay Justin

Itinanggi ni Hailey Bieber ang rumors na siya ay buntis na. Nagsimula raw ang usap-usapan na buntis siya dahil sa recent post ng mister niyang si Justin Bieber on social media na: “Mom and dad.”

Mabilis na sinagot ni Hailey ito ni Hailey: “I think u should maybe change this caption to *Dog Mom and Dad* before anyone gets it twisted.”

Magti-three years nang kasal sina Justin at Hailey sa September 2021 at marami na rin sa kanilang pamilya at kaibigan na naghihintay kung kelan sila magkakaroon ng baby?

Show comments