Mga artista, naging natural nang mawala ang glam team

Jasmine

Alam n’yo ba ang napansin ko ngayon na nanonood na uli ako ng TV, ‘yung bawas na ang mga make-up ng stars na babae.

Hindi tulad noon na matutulog na lang sa eksena, o nasa loob ng maliit na bahay, bongga ang make-up at hairdo ng mga star na babae.

Now siguro nakita nila sa mga Korean serye na parang lahat naka-no make-up look, walang spraynet ang buhok, at talagang ‘pag tulog ang eksena, malinis ang mukha.

Ewan ko kung sa ilaw, anggulo o baka naman mas maganda talaga ang gamit nilang kamera, pero iyon ang isang bagay na mapapansin mo talaga, ‘yung parang natural ang hitsura nila, walang bahid ng make-up. Kaya ngayon tingnan mo, parang very bare ang mukha ni Jasmine Curtis, hindi gaanong makapal ang mga make-up ng mga babae, at mas maganda ang lumalabas sa screen.

O baka nakatulong din na hindi na pinapayagan dalhin ang glam team sa taping dahil sa health protocols, wala na ‘yung retouch nang retouch na kasunod na make-up artist ng bawat artistang babae.

Nakatulong din siguro na hindi na pinapayagang magdala ng alalay sa set ang mga artista, at least less ang tao, at iyon nga, mas natural lumabas ang mukha ng mga artista. Hindi ba kaloka na merong crying scene tapos ang haba ng false eyelashes ng isang female star? Distracting talaga, ang tendency mo hindi ka maiiyak ha, matatawa ka.

Dapat talaga, bagayan nila ang eksena, kung matutulog, mukhang matutulog, kung umiiyak, dapat walang eye shadow at false eyelashes. Dapat pati make-up, komporme sa eksena para natural.

Show comments