Benjie Paras pasok sa sitcom nina John Lloyd at Andrea

Benjie

Mukhang tuloy ‘yung sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA 7.

Kasi nga tumatawag ang isang staff ni Direk Bobot Mortiz para mag-inquire kay Benjie Paras at Sandy Andolong para i-present sa budget hearing ng project. So ibig sabihin gumagalaw ang pre-prod at tuloy ang project.

Hindi totoo na shelved ito at wala nang gagawin si John Lloyd.

Baka nag-out sa project si Willie Revillame, pero itinuloy ni direk Bobot  ang project, at mukha namang ok sa GMA 7.

Kaya puwede ring abangan kung isa ito sa bagong show ng station na ipe-present sa trade launch na ginaganap bago matapos ang taon.

Good for John Lloyd, good for GMA7 at good for the team ni direk Edgar.

New show, new home, new concept. Hintayin na lang natin, kasi kahit si Andrea Torres excited sa pagsasamahan nilang project ni John Lloyd.

Sana matuloy na, para mapanood na uli si John Lloyd. Tapos pagdating naman ni Bea Alonzo, sisimulan na rin ang bago niyang serye, para isa na rin ito sa mga show na presented sa trade launch.

Exciting ang magiging presentation ng GMA 7 ‘pag nagkataon dahil may bagong talents na ipe-present.

Show comments