Marami ang humahanga kay Ara Mina. Pinatunayan niyang kaya niyang tuparin ang patakaran ng mga nasa mundo ng showbiz na “the show must go on” kasehodang kakakasal pa lang nila ni Dave Almarinez sa Alphaland Baguio Mountain Lodges sa Baguio City. Still tuluy-tuloy pa rin itong nagti-taping sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.
Matindi ang role ni Ara na halos mag-agawan sila ng eksena ni Lorna Tolentino. Pareho silang ilusyonada na gustong maging first lady ng palasyo ni Rowell Santiago.
May mga komentong humahanga sila kay Ara kapag nagtataray kay Tirso Cruz at hindi rin natatakot kay Lorna Tolentino.
Richard, iniilagan ng stuntmen
Maraming nakapuna sa malaking ipinagbago ng acting ni Christian Vasquez. Umagaw siya ng eksena noong confrontation scene with Kring Kring Gonzalez at sa gumaganap na anak na si Jane de Leon. Hindi rin nagpatalbog si Richard Gutierrez na nagpasiklab sa fight scenes with several Escolta stuntmen.
May nagkukuwento ngang ilag na ilag sila sa mga suntok at sipa ni Chard dahil baka raw madala sila sa ospital.
Bongga at least siguradong maganda talaga ang future ni Richard sa action movie kung magbubukas pa ang mga sinehan at kung matatapos pa ang pandemya sa susunod na taon.
James, kasama sa pelikulang tungkol sa salot
Mabuti na lang nakatapos nang ipag-celebrate ni James Blanco ang kanyang kaarawan noong ipatawag para sa pelikulang 40 Days directed by Buboy Neal Tan.
Isang magaling na director si direk Buboy noong araw pa. Nasaksihan na namin ang mga movie na idinirek niya sa Harvest Film at Lita Buenaseda Films noon sa Escolta.
Kasama ni James sa movie sina Michelle Vito at Rhen Escaño at Ina Alegre na kasalukuyang mayora sa Pola, Oriental at producer ng pelikulang may kinalaman sa salot na pandemya ang tema / kuwento ng pelikula.
Maligayang Kaarawan…
Birthday greetings to July-born celebrants: Dingdong Avanzado, Deo Macalma, Carlo Yap, Mrs. Amy Rodriguez Tengco, Manny Villangca of Baliuag, Bulacan, Celine Cruz of Lolomboy Bocaue, Bulacan at Julius Empoy Marquez.