Sec. Berna, walang balak kumandidato

Sec. Berna

Samantala, binanggit ni Tourism Secretary Berna (for Bernadette) Romulo-Puyat sa kanyang interview with Karen Davila sa programang Headstart, yes, Wednesday, wala siyang balak tumakbo sa Senado in the coming Election 2022.

Kung, halimbawa, raw ma-retain siya sa kanyang position, well, obviously as Secretary of Tou­rism,  sa papasok na bagong administration, itutuloy daw niya ang kanyang mga plano tungkol sa turismo sa Pilipinas.

Malaki raw ang paniniwala ni Secretary Berna na malaking tulong sa kaban ng gobyerno ang kikitain, once things, wika nga, go back to normal.

Well, ‘pag mag-say na completely goodbye ang pandemya.

Well, pray natin.

Albert, noon pa mahilig sa bata

Bulong-bulungan, Salve A., na may seryosong namamagitan between Albert Martinez, now 60 years old, and 21 year-old Faith da Silva.

They are together in the upcoming Kapuso series, Las Hermanas, co-starring them with Yasmien Kurdi, Thea Tolentino at Jason Abalos.

If Faith’s family name, especially, sounds familiar, it is because father niya ang dating aktor na si Dennis da Silva, na na-link dati kay Ruffa Gutierrez.

Inprisoned for life sa kasalukuyan si Dennis for an alleged rape case.

Samantala, isang matagal nang kakilala si Albert ang nagsabing obvious na mahilig talaga si Albert manligaw ng bata sa kanya.

His late wife, Liezl (nee Sumilang), was not yet 18 nang kanyang ligawan.

Pagtungtong ni Liezl ng 18, pinakasalan niya ito kaagad.

Tatlo ang naging anak nina Albert at Liezl, sina Yanna, now 35 years old; Alfonso, 33, at Alyssa, 29.

Pawang may mga asawa at mga anak na ang tatlo.

Liezl died in March 2015 dahil sa sakit na cancer.

She was 47.

No need to tell you that Liezl’s parents were the popular Sampaguita Pictures contract talents, Romeo Vasquez at Amalia Fuentes.

Both have passed away, too.

Of Albert, he will be seen, too, in an episode of Wish Ko Lang, hosted by Vicky Morales.

Wish… has been airing for the last 19 years.

Napapanood ito every Saturday, 4:10 p.m sa GMA 7.

A Philippine television public service show, host Vicky says, they really make sure that every wish ng nag-request is granted.

Willie, kailangan ng eksperto sa batas...

Wow, Salve A., kung ganyan pala at seriously kinu-consider ni Willie Revillame ang tumakbo bilang senador, since he will be a big win daw, according to President Duterte, then he might as well prepare for it.

How?

Someone suggests na tutal daw October pa ang deadline ng filing ng candidacy, Willie should get himself na this early an expert who can will give him lessons in legislation.

And why not a tutor, who can, likewise, give him valuable lessons tungkol sa mga akala niya ay nasa high school at college pa lamang siya?

As he himself proclaimed in an interview, granting na elected siya sa Senado, he and his mga kaalyado ay ‘di magpapatawa, kung hindi gagawa sila ng batas.

Show comments