^

Pang Movies

Ruru panay ang display ng abs

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ruru panay ang display ng abs
Ruru

Maraming beki netizens ang napa-“wow” sa pag-flex ni Ruru Madrid ng lean muscular built niya sa social media.

Pinaghandaan nang husto ng Kapuso actor ang katawan niya para sa lock-in taping ng action teleserye na Lolong.

Ayon kay Ruru, marami raw siyang matitinding action scenes sa Lolong tulad ng pagtalon, paglangoy at pag-akyat sa kung saan-saan. Nag-train din siya sa martial arts at diving.

Mas pinagaan daw ng bagong workout ang katawan ng aktor kaya mas marami siyang magagawang stunts.

Sa hotel room niya, pinost ni Ruru ang video ng patuloy na pagwu-workout niya. Kaya naman ang mga beki netizen ay tulo-laway sa pa-six-pack abs ng aktor.

Lovely at Benj, may bagong bahay at sasakyan dahil sa online business

Dahil sa online business kaya unti-unting guminhawa ang buhay ng mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo.

Dahil din sa kanilang successful na negosyo kaya nakapagpagawa sila ng kanilang bagong bahay.

“Ngayon pa lang nag-sink in sa ‘kin na totoong nangyayari lahat ng ‘to sa aming pamilya. Walang imposible talaga ‘pag may pananalig ka kay Lord, sipag at tiyaga,” sey ni Lovely sa pinost niyang photo ng bahay nilang malapit nang matapos on social media.

Sa comments section, sinabi ng mister na si Benj na: “Lets go, baby!! Trabaho pa tayo hahaha love you congrats sa ‘tin! And sa buong team na nakapaligid satin! Para satin ‘to!”

Maraming netizen ang na-inspire sa kuwento ng mag-asawang Lovely at Benj. Hindi lang daw kasi nila sa showbiz inasa ang kanilang future kundi naging maabilidad sila na sinabayan pa ng sipag at tiyaga.

Bukod sa bagong bahay, nakabili rin ng bagong sasakyan ang mag-asawa na galing din sa kanilang ipon sa online business.

Justin Bieber, nabubuwisit sa fans na nakabantay sa kanyang bahay

Nakikiusap ang Canadian pop singer na si Justin Bieber sa kanyang mga tagahanga na tigilan na ang paghintay sa labas ng kanyang New York City apartment.

Nababahala si Bieber dahil maraming kumukuha ng video niya at ipinu-post sa social media kung saan siya nakatira sa NYC.

May isang fan pa na nadidismaya sa kanya dahil nakunan niya ito ng video na tumatangging humarap sa kanyang mga fan na naghihintay sa labas ng apartment.

Sinagot naman ni Bieber ang mga dismayadong fan: “I hear you, I hear you. But this is my home. You know what I mean? This is where I live. And I don’t appreciate you guys being here. You know when you come home at the end of the night, and you want to relax? This is my space to do that. So I would appreciate it if you guys could leave. How do you convince yourself it’s not completely inappropriate and disrespectful to wait outside my home to gawk, stare and take pictures as I walk into my apartment. This is not a hotel. It’s my home.”

Hindi ito ang unang beses na pinagsabihan ng singer ang kanyang mga tagahanga.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with