Katuwa talaga ‘yung bonding ng mga Sotto ‘pag nagsasama-sama silang lahat.
Iyon bang ‘pag lahat ng mga anak ng mga Sotto nasa isang lugar, puno na iyon dahil sa rami nila.
Laging ang bida si Talitha na napakasuwerte dahil ang dami niyang kalaro na bata. At very lucky din dahil ang oras sa kanya ni Vic Sotto ay buong-buo lalo na ngayong pandemic.
Buong araw magkasama sila, naglalaro, kaya bale sa lahat ng anak ni Vic, si Talitha ang nakakuha ng pinakamaraming oras niya kaya bidang-bida siya.
Gustong-gusto ko ‘yung moments na tinuturuan siya ni Pauleen Luna ng mga aralin sa school. Kaya naman para na ring advance ang mga lesson ni Talitha dahil sa pagtuturo ni Pauleen at sa pag-ayuda dito ni Vic. Mukha ngang lalaking very intelligent ang anak nila dahil sa guidance nila.
Bea, gustong magka-talk show
Ang gustung-gusto palang gawin ni Bea Alonzo sa GMA 7 ay isang talk show.
Siguro naging very exciting sa kanya ang vlog niya na ginagawa kaya gusto na niyang ituloy sa isang talk show.
Very articulate at witty naman si Bea at marami ring topics na alam kaya maganda ring maging isang talk show host. Cute rin siya ‘pag nagtatanong kaya puwedeng-puwede, para balanse sa kanyang magiging drama serye kung sakali.
Excited na rin ang mga makakasama ni Bea kung sakali sa gagawing drama series sa GMA 7. At hindi malayo na gumawa rin siya ng pelikula sa GMA Films dahil na nga sa nandito na rin si John Lloyd Cruz.