^

Pang Movies

Bea tinawag na inconsiderate ng dating kapamilya!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Bea tinawag na inconsiderate ng dating kapamilya!
Bea

Hindi napigilan ng ilang Kapamilya na maglabas ng pagkadismaya sa paglipat ni Bea Alonzo sa GMA network. Isa nga sa nakita naming nag-react ay ang direktor na si Erick Salud na bagama’t walang tinutukoy na pangalan, obvious na ang aktres ito at wala nang iba pa.

Ayon sa tweet ni direk Erick last Thursday na sakto sa pagiging official Kapuso ni Bea matapos ang kanyang pagpirma ng kontrata, may project daw na nasimulan ang aktres sa ABS-CBN at hindi na raw nito tinapos.

“So ayun nga. Lumipat nga ang isang aktres. Bakit kaya? Eh may project siya na nasimulan at na promote na prior pandemic. Talos say niya, di pa siya ready mag shooting. Ayun pala lilipat. AAAARTE!!!” tweet ni direk Erick.

Tanong pa ng direktor, naghihirap na raw ba ang aktres gayung may big farm ito.

“Naghihirap ba siya? Eh may big farm nga. Kaloka siya!!!” sey ng direktor.

Ang tinutukoy na proyekto ni direk Erick na nasimulan na ay ang Kahit Minsan Lang with Richard Gutierrez and Rafael Rosell. Nagsimula na ang taping nito before the pandemic. Pero noong September 2020 ay inanunsyo ng Star Creatives na kanselado na ang serye dahil nga sa pandemya.

Bukod kay direk Erick, nag-tweet din ang dating production manager ng ABS-CBN na si Ethel Espiritu at kinokondena rin ang ginawa ni Bea. Wala rin namang pangalan siyang tinukoy pero wala namang ibang lumipat kasi last Thursday kundi ang aktres.

“Iba-iba kasi ang kuwento ng mga lumilipat. Yung iba maiintindihan mo talaga. Pero kung ikaw, me iniwang “unfinished business” inofferen ka pa BUT you still chose otherwise, turnoff talaga. Unless me very valid reason siya. BUT, otherwise? INCONSIDERATE. Sabi ng iba? INGRATO.

“Yun ang nakakasama ng loob sa karamihan, me project na naumpisahan at iniwan. Sana naisip din niya, yung mga nagsimula at naghirap para sa project. Yung mga kasamahang artista na umasa at naantala sa paghintay sa kanya. Nagalit pa nga daw Nanay nung isa. Unless nga mali ako.

“Walang mali sa magpaalam at paglipat where there are opportunities. Lalo na hindi na mabibigay sa’yo yung expected mo at gusto mo. Make sure malinis lang, maliit lang industriya natin. They always say, don’t burn bridges. I hope she didn’t,” ang sunod-sunod na tweets ni Ethel.

Nag-tweet din ang Kapamilya broadcaster/journalist na si Karen Davila at ipinagtatanggol naman si Bea although hindi rin niya pinangalanan.

Sagot naman ng isang netizen, “di po mapigilan ang temper namin kasi May on going projects po siya but she chose to abandon it. Kaya pala ayaw ng bumalik sa lock-in taping kasi lilipat na.”

Sumagot naman si Karen at aniya, “sorry to hear this.”

BEA ALONZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with