Awra, ‘di pa nakaka-move on sa mga pagsubok
Hinaharap na ng dating child actor na si Awra Briguela ang maraming pagsubok na dumating sa buhay niya.
Ayon sa actor-turned-vlogger, pinapahilom daw niya ang mga naging sugat ng sunud-sunod na kinaharap niya sa taong ito. Natuto na raw siyang huwag mangibabaw ang kanyang emosyon sa lahat ng bagay. “Hindi ko masasabi ngayon na I’ve finally moved on, na I’m finally done with everything. Nandito pa rin ako sa point ngayon na naghi-heal. ‘Yung time po kasi na nanahimik ako… when you are triggered and mad, lahat masasabi mo eh. Like siyempre, emotional ka, nanginginig ka pa.‘Yung eagerness mo para ma-feel mo ‘yung satisfaction, ma-express mo ‘yung nararamdaman mo, lahat sasabihin mo,” sey ni Awra.
Natutunan din ni Awra na hindi tama sa lahat ng pagkakataon ang sabihin ang iyong opinyon sa lahat ng issue. Hindi rin daw tama na palakihin niya ang isang simpleng sitwasyon na puwedeng madaan sa maayos na pakikiusap. “At that time, I felt like I’m superior. Nag-agree sila sa akin, lahat sila nasa side ko. That’s why I’m not scared to post kahit anong ipost ko. I realized na mali na ‘to. Na even if um-agree sila sa akin, pumanig sila sa ’kin, ‘yung apoy parang nilalagyan ko lang ng gas. Lumalaki lang ‘yung apoy na walang pinatutunguhan. So, I realized habang tumatagal ang panahon, hindi na tama ‘yun.”
“Ang natutunan ko po, once na galit ako, triggered ako and may nararamdaman akong hindi maganda, kailangan ko lang huminga, kailangan kong pag-isipang mabuti and especially magtatanong ka sa mga taong napagdaanan na ‘yun para i-guide ka nila,” diin pa niya.
Malaki naman ang pasasalamat ni Awra sa kanyang magulang, lalo na kay Vice Ganda dahil sa pag-alalay sa kanya noong naipit siya sa kontrobersiya. Pinayuhan siya ng kanyang magulang na magpatawad, habang si Vice naman ay ipinakitang handa siyang ipaglaban.“Inaantay lang ni Meme (Vice) kung gusto kong ituloy ‘yung gusto kong mangyari or gusto niyang mag-heal na lang at pabayaan. Ang mga taong nakagawa ng mali sa ‘yo kapag nakasalubong mo, taas mo silang matitingnan sa mata. Sila, nakayuko sila, hindi ka nila kayang tingnan.”
Heart, binura ang toxic people ng kanyang buhay
Kung meron daw “biggest regret” si Heart Evangelista-Escudero, ito ay ang payagan niyang madiktahan siya ng ibang tao.
Inamin ni Heart sa kanyang recent Instagram Q&A, may mga tao raw na gustong ibahin kung ano talaga siya.
Hinayaan daw niyang gawin ito sa kanya dahil sa pag-aakala na iyon ang tamang gawin sa kanyang career.“I allowed people to dictate how I should be. As I celebrate the real me today, I am able to achieve more because I’m happy, unlike before I was just a robot but in a way I still don’t regret anything because after 23/24 years in showbiz all of that made me a better person “Pruning process,” sagot pa ni Heart.
Nag-share rin si Heart kung paano niya hinihiwalay ang mga toxic people sa buhay niya.
“I don’t do distance. I delete them. If you’re a bee why argue with a fly that honey is better than shit? That’s just how that is. You can’t really change people and think they are just toxic sometimes it’s as simple as… we are just too different. Nice knowing ya, Ciao!”
Anyway sa July na magsisimulang mag-taping ulit si Heart ng romcom teleserye na I Left My Heart in Sorsogon with Richard Yap.
Taong 2017 pa raw huling nagbida sa teleserye si Heart via My Korean Jagiya with South Korean actor Alexander Lee. Nagkaroon ito ng rerun last year at naging top-rater pa rin ito.
- Latest