^

Pang Movies

Cong. Vilma, ayaw tantanan ng ibang pulitiko!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Cong. Vilma, ayaw tantanan ng ibang pulitiko!
Cong. Vilma

Hindi lang miminsang gumawa ng public statement si Congresswoman Vilma Santos na hindi siya interesado sa ano mang mas mataas na government position dahil hindi pa niya nagagawa ang lahat ng kanyang mga proyekto sa Batangas, at may isa pa naman siyang term bilang congresswoman.

Pero mukhang hindi pa sapat iyon para tigilan siya ng ilang mga pulitiko / leader ng pulitiko na kumukumbinsi sa kanyang i-reconsider ang kanyang desisyon.

Lahat naman daw ng mga lumalapit ay aminadong kailangan nila ang kanyang malinis na record at mass appeal para mapalakas ang kanilang political standing. May lumalapit na gustong makabawi at manalo, mayroon namang lumalapit para manalo at makapanatili sa administrasyon. “Ikinatutuwa ko at malaking karangalan para sa akin ang kanilang pagtitiwala. Iyong pagtitiwala nila ay nangangahulugang kinikilala nila ang ilang taon ko ring paghihirap bilang isang public servant. Maski kayo, alam ninyo iyan na sa kabuuan naman ng 20 taon ko na sa public service wala silang masasabi na nakasali ako sa anumang anomalya.  Walang makapagsasabing may inilapit sa ating mabuting proyekto na hindi natin pinakinggan at ginawa nang mabilis,” pahayag niya.

“Hindi ko masasabing sa panahon ko napatigil ko lahat ng illegal, halos imposible iyon at hindi rin naman nagawa iyon ng sino man sa mga nauna sa akin, pero nalimitahan natin ang kanilang kilos lalo na nga ang droga at ang sugal. Alam ko may natirang ilan pa, na inaasahan ko namang mapapatigil ng mga sumunod sa akin.

“Sa ngayon ang concern ko ay iyong educational, health at economic assistance sa Batangas, lalo na nga’t hindi pa sila nakakaahon sa mga bagyo, pagputok ng bulkan at ngayon ay ang pandemya. Kailangan muna kaming magtulungan, at naniniwala akong hindi ito ang tamang panahon para iwanan ko ang tungkulin ko sa Batangas. Kung hindi nagkaroon ng pandemya baka sakali pa. Pero sa ngayon malabo iyan talaga,” ayon pa ka Ate Vi nang makausap namin.

Star Magic, mga baguhan ang pasisikatin

Ipinagmamalaki ng Star Magic, ang pagpirma daw sa kanila ng kontrata ng may 40 stars, karamihan naman doon ay starlet na galing sa kanilang contests at ang iba ay nasa ilalim na ng management ng ilang agencies na affiliated din sa ABS-CBN.

Napansin din namin, walang pangalan ng malalaking stars, dahil siguro ang mga iyon ay talagang nakatali pa sa kanilang kumpanya.

Mukhang iyan ang sagot nila sa mas malalaking stars na galing sa kanila na lumipat na sa iba.

Nora at Vilma, identified na sa dialogue ng kanilang pelikula

Basta narinig mo iyong “walang himala” tiyak na alam na ninyong iyan ay linya ni Nora Aunor sa pelikulang Himala, na idinirehe ng national artist na si Ishmael Bernal, at ipinrodyus ni Bibsy Carballo noon para sa Experimental Cinema of the Philippines.

“Kung hindi tayo kikilos ay sino ang kikilos? Kung hindi ngayon ay kailan pa,” ang natatandaan naman ninyong linya ng box office queen na si Vilma Santos sa pelikulang Sister Stella L., na ginawa ni Mike de Leon.

Iyang mga ganyang pelikula ang masasabi mong maiiwan ng isang aktres na bahagi ng kanyang legacy.

Hindi isang eksena na tumutungga ng alak sa isang wild party mula sa bote mismo.

Hindi mo iisiping iyan ay bahagi ng pelikula ng isang mahusay na aktres. Nang makita namin ang video sa social media, ang pumasok sa isip namin ay parang mga eksena sa pelikula noong araw ni Pia Moran.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with