^

Pang Movies

John Lloyd, tambak na ang nakalinyang trabaho

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
John Lloyd, tambak na ang nakalinyang trabaho
John Lloyd

Hindi lang pala ang sitcom na gagawin ng production company ni Willie Revillame ang nakalinyang proyekto ni John Lloyd Cruz para sa GMA 7. Sinasabing may gagawin na rin siyang isa pang serye bago matapos ang taong ito.

Iyan ang lumalabas matapos siyang makipagkitang muli kay Annette Gozon Valdes, at iba pang executives ng network. Hindi binanggit kung sino ang iba pang naka-meeting niya pero nasa picture sina Joey Abacan at si direk Edgar Mortiz, na tumalon na rin sa GMA.

Pero nilinaw nila na wala pang kasunduan kung si John Lloyd ay magiging isa na ngang Kapuso, pero tiyak na inalok din siya dahil may ganyang offer na pala sa kanya 20 years ago pa.

Samantala, nananahimik din naman ang ABS-CBN sa mga balak na gawing proyekto ni John Lloyd, dahil bago ang sinasabing pormal na comeback ng actor, sinasabi nilang may nakalinya silang proyekto para sa kanya, kabilang na ang isang pelikula na pagtatambalan nila ni Bea Alonzo.

Pero sa project na iyan, hindi lang naman si John Lloyd ang problema, kung totoo ngang may “asking price” si Bea, mahihirapan din ang ABS-CBN na abutin iyon lalo na nga’t nalulugi rin sila simula nang mawalan ng franchise isang taon nang mahigit sa ngayon.

May pumuna rin naman na sa pakikipag-usap ni John Lloyd sa GMA, mukhang hindi sumasama ang kanyang manager ngayong si Miss M (Maja Salvador). Iyon ba ay dahil sa sinasabi naman noon na hindi nagkaroon ng interest sa kanya ang GMA 7 matapos na matigbak ang show na sinamahan niya sa TV5?

Pero ano pa man ang sabihing mga sitwasyon, nakakatuwa naman na ngayon ay tuluyan nang magbabalik si John Lloyd kahit na sa telebisyon na lang muna.

Kung maaabot na nga ng Pilipinas ang sinasabi nilang “herd immunity” kung kailan man mangyayari iyon, magbubukas na nga siguro ang mga sinehan at makagagawa na ng pelikula si John Lloyd.

Juday, pinagkakitaan ng vlogger

Marami ka talagang makikitang kuwento, lalo na tungkol sa showbiz na ginawan pa ng video ng bloggers na talagang “ines-S” lang. Magugulat ka sa mga title pero walang laman. Karamihan ay mga bulok na kuwento pa na inuulit lang. Mas marami pa ang hindi totoo.

Natawa na nga lang kami sa comment ni Judy Ann Santos sa isang blogger na umiintriga sa kanila ng asawang si Ryan Agoncillo. Ang sabi nga niya, “siguro naman mayroon na siyang nakuhang pambili ng bigas sa rami ng mga hindi niya totoong balita tungkol sa amin.”

Kasi nga maraming bloggers ang gumagawa nang ganyan para sila may kitain sa kanilang blogs, lalo na nga ngayon na walang mga presscon kung saan lang nila nakikita ang mga artista noon.

Karamihan naman sa bloggers na iyan hindi kilala ng mga artista, at wala rin silang kinakatawang media company.

Lumalabas na sila ay mga colorum eh.

Mabuti kung hindi sila papansinin ng mga artista, pero papaano kung kagaya noong nagtatapang-tapangang bakla noon na idinemanda ni Liza Soberano, di naglaho siya agad.

Kung sabagay, bakit mo nga ba papansinin kung wala namang pumapansin sa kanila?

Male star na ‘Barbie,’ ‘di pinapatulan ng pino-promote na brand

“Barbie” ang tawag nila sa isang male star na bagama’t alam na nga ng lahat halos ang kanyang kabadingan, napakahilig pa ring magpanggap na lalaki.

Siguro gusto niyang makabola ulit ng isa pang bading na mababaliw sa kanya at makukunan niya ng datung.

Lately, nagbilad na naman siya ng kanyang katawan na suot ang isang brand ng underwear na iniilusyon niyang kukuha sa kanya bilang endorser. Iyon namang pictures na iyon siya lamang ang nagpo-post sa social media account niya. Hindi iyon lumalabas sa site ng undergarment factory na sinasabi niyang kumukuha sa kanya.

Ang sabi pa ng administrator ng company account, “ang mga brief na ginagawa namin para sa hunks. Hindi naman namin naisip na ang mga brief namin ay ipasuot kay Barbie.”

JOHN LLOYD CRUZ

WILLIE REVILLAME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with